Meron na namang iringan dito sa aming community. Ang laking gulo nga at umabot pa sa korte kaya naman kinukuyog na rin ng media ang issue nila. Inakala ko nga noong pasko at bagong taon ay mayroong let there be peace on earth and let it begin with me kaso wala. Bangayan pa rin sila ng bangayan. Walang awat ang parinigan nitong dalawang kampo.
Nagkaroon kasi ng paligsahan sa aming baranggay ng pahusayan sa pagluto ng sunny-side up na itlog. Natirang finalist ang magkapatid na sina Abel Bistro Santos at Cecilia Bonita Nagoya laban kay Greg Marciano Allego. Perfect kasi ang pula ng kanilang mga itlog, mamasa-masa pa... I mean, malasado at hindi basag or luto masyado. Pagkatapos, ang isa sa mga judges, si Avi Garcia-Berto, nagsalita na
nagkaroon daw ng bayaran sa nasabihang contest.
Hindi naman tahasang binanggit ni Avi kung sino ang nagbayad sa nasabing sunny-side-up egg cooking contest ngunit ang kampo nina Abel at Cecilia ay itinuro si Greg. Syempre, itong si Greg, na-offend sa accusation nitong sinabi ng nasa kampo nina Abel at Cecilia. Nagwala at sinumpang hindi na siya magluluto ng sunny side up na itlog kahit kailan. Nagsampa na rin siya ng kaso laban kina Abel at Cecilia kasama ng mga nasa panig nito. Kinasuhan niya ito ng libel.
Nang natanggap naman ng magkapatid na Abel at Cecilia ang kanilang subpoena, nagwala rin sila. Hinagis nila ang kanilang mga manok ng kanilang poultry farm sa mabilis na ikot na elesi ng kanilang Standard electric fan saka sila naglabas ng press statement. Iginiit na lang na totoo ang sinabi ng nasabi ng isa sa kanilang kapanalig.
Kaya hayun sila, hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin. Kung anu-anong mga parinigan ang mga ginagawa nila at pagkuha ng sentimiyento ng kanilang mga kapitbahay.
Ako? Wala na akong pakialam sa mga itlog nila. Masaya na ako sa itlog ko. Anumang luto ng itlog ko, nakadapa, tihaya, basag man o scrambled sure akong masarap yun.
SIGURADO AKONG MASARAP ANG ITLOG KO, NATIKMAN KO NA!
Tuesday, January 08, 2008
The Sunny Side Up Challenge
Posted by Billycoy at 1/08/2008 04:44:00 PM
Labels: Kabaliw-Balita
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
reading this is definitely better than the issue of their counterparts. masaya na rin ako sa itlog ko... di ko na kailangan tumikim ng iba.
yan kasi ang problema eh. ang hilig magkumpara ng itlog. kesyo masmalaki, masmasarap, o perpek ang pagkalambot. sapat naman ang mga itlog para sa lahat. at bawat isa ay may kanya kanyang panlasa ng gusto nilang itlog. kagaya ko, gusto yung itlog na mabuhok.
balot.
Hi, I can't find any contacts on your blog. Can I ask you to send a note for me? My email is in profile.
Thanks, Chris
itlog pala ang usapan d2 eh! by the way ang cute ng blog header mo ah! (puede ko ba gayahin?)i'm also using the same template that you're using (minima)
also, i added u on my links! can u add me too?
Post a Comment