Who loves Math?
Sino nga ba ang may gusto ng Math? Malamang mangilan-ngilan lang ang mahilig sa math. Bukod sa chocolates at sa mga sizzling hot chikaboobs, isa rin sa aking weakness ang Math. Isa nga arithmetic sa mga pinaka-dislike kong subject noong elementary at highschool. Hindi ako mahusay sa mga math problems, ngunit di nangangahulugang kamote ako dito. Hindi ako magaling at hindi rin naman ako dakilang tanga sa Math, sinto-sinto lang.
Swerte ko nga nu'ng college kasi college algebra lang at yun lang ang natatanging isang Math buong college life ko. Kaya't konsultahin niyo na ako sa sex wag lang sa mga numbers dahil tiyak mapapatay ko gamit ng kuryente ng battery ng calculator kung sinuman ang magtatanong sa akin ng mga ganung bagay.
Though, kahit gaano man nating gustong isuka ang Mathematics, napakahalaga pa rin nito sa ating buhay. Tumutulong ito sa analytical thinking ng ating pag-iisip. Pero, ano naman ba ang dulot ng isang mangmang sa Math?
Advantages of a Math Stupid
- Hindi aasahang bigyan ng napakabigat na mga suliranin na may kaugnayan sa mga numbers.
- Sa ambagan, hindi papakialaman ng iba kung sakali mang may sumobra sa ambag nila.
- Walang problema sa pagbabudget.
- Hindi rin namomroblema sa mga presyo ng binibili kahit pa mura ito o mas mahal pa ito sa kanyang buhay at buhay ng kanyang mga kapitbahay.
- Masaya sa buhay at hindi naii-stress ng mga numero.
- Walang pakialam sa mga levels ng cholesterol, blood pressure, blood sugar, calories, fats, sodium at tindi ng baho ng mga singit, batok at kili-kili.
- Nananatiling bata at hindi tumatanda.
- Madalas na nagno-nosebleed kapag nanonood ng "Numbers" at "Math-tinik"
- Nauubusan ng pera ng di namamalayan.
- Inaakalang isang race ng tao sa isang bansa ang SOH-CAH-TOA.
- Dependent sa mga daliri sa kamay at paa para mag-solve lang ng simpleng equation ng trigonometry.
- Hindi kayang bilangin ang mga bituin sa langit, hibla ng buhok at mga butil ng bigas sa isang tasa.
- Kinakasuhan ng pandarambong o plunder.
Gwapo multiplied to sexiness to the nth power divided by the square root of charm add the cosine of a uber gorgeous looks times the cotangent of oozing sex appeal plus yumminess to the mouthwatering level which will be equal to Billycoy.
Ayan ang formula sa paggawa ng isang demigod na katulad ko. Paano naman ang equation niyo sa inyong sarili?
24 comments:
SOH-CAH at TOH-KOA, tapos BAH-BOI, ihalo sa mainit na LOH-GAO ... ayos! ang sarap mag-math!
i dropped my math subject three times in college
and i got a 4 when i finally took it.
it took me six months to complete
the requirements and i got a grade of 3.
no one can beat my ineptness in math.
galing ng post mo..hehe..sobrang kakatuwa..pasko na..namamasko po..exlinks naman :p
about dun sa equation ko, good-looking plus charming multiplied by happiness minus bad elements equals ardeeboi..yun lng...ahahah
parang eto lang
yung pinaguusapan naten
nung isang araw ah?
tsk tsk tsk
sinasabi ko na nga ba
na kinakausap mo lang ako
para kumuha
ng ideya ko.
tsk tsk
naku--
ganun pa rin naman sagot ko
kahit anong math related
subjects pa yan
kukunin ko
para maintindihan ko
ang billycoy.
:)
lol mali pala.:)) wahahaha. di pala ikaw yun.xD pahiya ako dun a.:P
anyway, math = nose bleed. but still, kahit may mga taong bagot na bagot sa math, kailangan pa rin natin yan.:P sad.xD
sokatoa.... hmmm sounds family.. but i can't placing... may kinalaman ba ito sa a2 + b2 = c2?
haha. gusto ko ng math. 1.25 ako sa math namin ngayon. yeboi!
my hotness is asymptotic to x and y axes.
the limit of my handsomeness and my sex appeal is infinity as x approaches zero.
naku billycoy dacuycoy, di ka pala mathgasmic!
the jester-in-exile:
GE$/>J>$/O>$ d+(---) s:-- a- C+(++++) U? P? L E? W(++) N o? K- w O? M?>+ V? PS+(++)>$ PE(++)>$
Y+(++) PGP-(+++) t+@ 5(++) X++ (+++) R(*) tv-@
b+(++)>++++ DI+++ D(+) G>++++ e++>++++>$ h r(--)
y+(++)
i like math better than science.
at mukhang may mali sa equation on how to get billycoy. parang.. kulang ng multiplied by 0. :))
caranijuan > ang sarap nga!
ardee sean > sige i-link mo lang.
xienahgirl > kahit pa dumugo ang ilong at utak mo?
mr_d > masarap ang C2, pero mas masarap ang Nai Cha
the jester-in-exile > di nga ako mathgasmic... ORGASMIC LANG
karlee > uy, tamang-tama lang ang equation ko!
F0ck talaga :p
------
Bwiset. Naka tatlong subjects kami ng math. Pero nakakatuwa dahil mataas ang grades ko (whew).
-----
Basta pera, naku, ang bobo ko. Di ko namamalayan talaga na nawawalan na ako ng pera. Kaya mas tinatalasan ko talaga ang aking pakiramdam pagdating sa pera.
Gaya na lamang ng hindi panlilibre ng kahit sino sa anumang bagay. Ako ang master kuripot ng bayan. Kaya eto, bihira na akong mawalan ng pera. ^_^
lecheng SOH-CAH-TOA. basta math, ayoko! solid!
Anong nangyari kay Jester!?!?! Lolol.
ANYWAY. Naalala ko sa blog ni SaWariKo pa ata yun yung 1 + 1 + 1! [Tama ba?] NAGAGO talaga ako dun sa solution.
Oh well, apir sa mga ayaw sa MATH! CHEERS MGA TOL.
Tama, dependent ako sa daliri.
At sa sukli, puro ako keep the change.
Sa pamasahe, ayokong magcocompute kaya bahala na kung kulang o sobra.
Same na rin sa pagbibilang ng ILANG ARAW BAGO MAGPASKO.
Hay.
Math formulas can be handy in real life, pero yung mga nakaka-nosebleed na algebraic equations... Di naman lahat eh magiging scientist, engineer, whatev. Siguro, applicable nga ang Math sa pang-araw-araw na pamumuhay pero di palagi. For example, kailangan ba ng Algebra para ma-compute ang kilo ng suka? Pwede pa sana kung Geometry applied in baking a cake.
Mabuhay ang mga naiinis sa Math!
halos isuka ko na ang math na yan...
buong buhay ko binabagabag ako ng math!
hahaha. love the equation :D
hmmmm
buhay ko ang math, isa akong enghinyero. wakekeke
wakekeke
hmmm. d ko pede isuka ang math dahil yun na ang buhay ko. favorite ko nga ang math e.
hmmm
galing ng equation kaso proven na ba yan using constants?
wakekeke
neil es2pido > pansin ko nga, di mo man lang kami nalibre sa jackpot mo noon sa eat bulaga. LOL.
kingdaddyrich > kagaya na lang ng pagbibilang sa natitira sa allowance.
zeus-zord > constant?! kakadugo naman ng ilong yun.
aba ang galing may equation sa srili kala ko ba sinto sinto ka sa math? hehehe
math sucks. madalas sa akin tumatakbo ang mga pinsan ko for some math tutorials. tinatakbuhan ko din sila minsan dahil hindi naman talaga ako magaling sa math, kahit na engineering student ako.
*sigh*
more on analysis naman kasi ang engineering, lalo na sa chemical engineering. ewan ko lang sa ibang engineering.
wakoko!!!!
na-miss ko mag-comment dito! yahooo!!!!
Ah, hindi ko lubos-maisip kung papapaano ako nakakalusot sa mga math subjects ko.
Mukhang mahirap i-solb ang equation ni Billycoy ah. Hindi ko kayang tapatan ng equation yun. Siguro ang saken eh:
tannix != greatness
Kung mabubuhay ulit ako, gusto kong maging si Descartes. Magaling dumiscartes sa math.
I hated Math in school. I avoided studying it in university... unless I had to (a few required courses).
Ironically, I ended up became a software test engineer where I analyze and test code everyday (algorithms and math). Life is weird.
I still hate Math though, but apparently knowing it... is good for you. Math is your friend.
I hate Math. I blame it on my Grade 1 Math teacher in the Philippines. She traumatized me with her ear-tweaking punishments for wrong answer.
... and did I mention I really hate Math? Yes, I do.
yeye > equation ng mga sinto-sinto yan
fruityoaty > the more you hate, the more you love, remember? so you love math a lot.
Post a Comment