Marami talaga akong pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang araw. Kailangan kasing tutukan ng husto ang mga ginagawa ko ngayon. Hindi talaga pwedeng pabayaan. Mahirap na kasi ang magkamali saka kung meron man mapapabago ko kagad ito.
Ano ba pinagkakaabalahan ko?
Kung ang hari ng Dubai ay nagpapagawa ng manmade islands na korteng palm at ng mga continents sa mundo, iba naman ang akin. Gumagawa ako ng country/continent sa Pacific Ocean. Napuna ko kasing marami pang space sa karagatang iyon kaya naisipan kong i-occupy ang space na yun. Napakaraming space sa earth kaya dapat namang i-maximize ito. Sayang naman. At yun nga, naisipan kong magpagawa ng country/continent. Ang gulo-gulo na rin kasi ng bansa natin dahil sa kagagawan nila Cristy Fermin, Jobert Sucaldito, Mahal, Angelica Jones at Madam Auring.
Papangalanan ko ang pinapagawa kong bansa na Bukshikabuba Republic. Isang bansang napakalaya at napaka-democratic. May laya ang mga Bukshi citizens na paslangin ang mga walang kwentang mga nilalang at merong nakakarimarim na pagmumukha. Sa sobrang kalayaan nga ng bansang itatayo ko, kahit sa gitna pa ng kalsada mag-"let's get it on" ang mga magjuwawhoopers ay ayos lang basta't wag lang silang masasagasaan ng mga sasakyang dumadaan, malalasog ang mga katawan nila at magkakalat ang mga balunbalunan, bituka at utak nila sa kalsada. Ayoko ng mess.
Walang halaga rin sa Bukshikabuba Republic ang mga pera para sa trade and industry. Ang currency sa aking itinatayong republic ay katawan. Hindi parte ng katawan ng tao na kinikilo ang tinutukoy ko dito. Katawan as in, sex ang gamit sa mga transactions at trade. Ang presyo ay dependent sa experience at virginity ng isang tao. Kung ang virginity ay intact hanggang age 30 mataas ang presyo nun, pero higit sa edad na 30 ay nagde-depreciate na rin ang value. Kaya naman mataas ang value ko sa itatayo kong bansa. Baka kayanin ko pang bumili ng isa pang bansa kapag ibinenta ko na ang aking virginity.
Limited lang ang mga taong maninirahan sa aking bansa. By invitation ito at meron pang screening sa mga invited. Kailangang high-quality ang mga kukuning mga citizen ng aking republic para makaiwas sa contamination ng corrupted ideologies.
Medyo matagal pa itong matapos pero ngayon pa lang ay tumatanggap na kami ng mga applicants ng mga wannabe Bukshi citizens.
Registration fee: One-night stand.
Friday, November 16, 2007
A New Republic
Posted by Billycoy at 11/16/2007 01:57:00 PM
Labels: Kabaliw-Balita
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
bukshikabuba republic?
hmm
ang baho.
haha
nagulat ako
sa paraan ng kalakalan
sa bansa mo.
katawan--
literal.
haha
at tinaasan mo pa ang
age bracket sa 30?
kasi gusto mo
abot ka pa.
nakalimutan mo sabihin
kung kanino ibibigay
ang registration payment.
sa iyo ba?
kapow.
Haha. Nakakarefresh ang blog mo, dumudugo na ang ilong ko ka bo-bloghop.
Nilink nga pala kita.
parang pang bading ang pangalan
Nabobo ako sa spelling. Bukshikabuba. Hahahaa.
Anyway, nako asar na asar ako sa Prince ng Dubai. Overspending. Wala lang.
:P
iisip na lang ng pangalan anu ba yan. lol.
ang pulis ba diyan yung mga zaido? kung sila nga, ilalabas ko na lang si bowowowow.
ang hard naman ng requirement! demanding ka billycoy!
naku gusto mo na talaga madivirginize!
wow mggng citizen ako jan hehe
masyadong malaswa ang magiging bansa mo hehe
Post a Comment