by Adam Kimmel in an interview from Details Magazine
Magpunta kayo sa mga malls ngayon, mapa-class man o kahit sa mga establishments na sinasabi nilang mall sila, malamang marami kayong makikitang nilalang na halos iisa lang ang mga porma at estilo sa pananamit. Kung may dala nga lang siguro kayong lagareng mapurol ay baka nilagare niyo na ang mga katawan at leeg ng mga nilalang na ito. Tumingin ka sa isang banda, meron diyang naka-tight fitting na polo shirt na nakataas pa ang kwelyo nila, sasamahan pa nila ng 45 degree tilt ng baseball cap kung hindi man naka-faux hawk ang buhok, may bag na animo'y kalasag at kasing kapal ng mga mukha nila at sneakers na imits ng chuckte. Lingon ka naman sa kabila, meron dyan naka-oversized shirt at may patong pang oversized na jersey, with bling-blings, oversized baggy pants na aabot na sa sakong ang pagka-low waist at imits white nike superstar shoes. Lingon ka ulit sa kabila at makikita mo dun ang isang maliit at maputing babae na naka-swan dress. Tumingin ka naman sa TV at makikita mo naman si Sadako papalapit at gumagapang na palabas ng telebisyon.
In terms of style, ganito lang naman yan: a. The brand styles you b. The style brands you. or c. The brand and your style compromise. Karamihan sa ating pinoy ay yung A, mahilig tayo sa signature, kahit na isinusumpa na tayo ng mundo dahil sa kabaduyan ng kulay walang pakialam. "Eh ano!? LaCoste naman!" pero kapag tinitigan mo ang logo hindi naman buwaya kung hindi mukha ng pulis na mahilig mangurakot sa Edsa; japeyks! Magaling naman sa bargain hunter yung B, kahit pa UK yang damit nila, hindi nagmumukhang cheap kapag naisuot na. Nakikidnap ng madalas dahil napagkakamalang mga anak nila Zobel de Ayala at Henry Sy. Rare find naman ang C, usually mga alta ang mga yan.
Ako muna ang inyong fashion consultant ngayon para turuan kayo sa tamang pananamit at paghuhubad ng inyong mga kasuotan.
Dress for the weather. Ang ibang bansa meron silang 4 seasons; summer, spring, winter and fall. Kaya sa fashion, hinahati nila ang mga collections sa summer/spring at fall/winter. Pero sa 'Pinas iba, wet and dry lang, parang palengke lang. Pero hindi palengke fashion ang sinasabi ko, hinahati ang collections ng Summer at Holiday.
Gaya ngayon, papasok na tag-init kaya dapat ang mga damit ngayon ay for summer na. Magstand-out ngayong summer at huwag makihalo sa damit na inestilo ni Lito Atienza na mga bulaklaking floral prints na shirt at polo. Sa halip mag-swimsuit ka na, two-piece bikini for girls at trunks for guys, kahit sa mall lang ang punta tiyak pag-uusapan at pagtitinginan ka. Kung papasok sa trabaho naman, dagdagan mo lang ng necktie ang leeg, propesyonal na ang dating.
Don't be afraid of colors. Hindi ka naman yan kakainin. Marami dyan na puro black lang ang damit kung hindi man yung fave color nila. Ngayong panahon ng global warming, hindi suggestable ang black or dark na damit, nag-aabsorb kasi ito ng init. Prefer lighter tones and hues para magbounce ang light at heat. Dapat iba-iba rin kulay ng damit dahil kung hindi, baka mapagkamalang isa lang ang damit o hindi naliligo ng ilang dekada.
Be updated. Walang masama kung magpakaretro sa style basta learn to fuse it with the modern fashion. Ang fashion naman parang washing machine lang, paikot-ikot lang. Hindi ibig sabihin nito makikisabay sa uso, dapat alam lang ang 'in'. Ang mga sumasabay kasi sa uso napagkakamalang mga clones, marami pang tutol dun kaya hayun binabagsakan sila ng asteroid.
Be confident. Walang silbi ang magandang damit kung wala ring confidence. Ang pangit at nakakaduwal na baduy na damit ay nagmumukhang disenyo ng sikat na designer at kumikinang sa kagandahan ng dahil sa projection at self esteem. Kaya chin-up, chest out, align your back at huwag huminga... hayan perfect, pwede ng gawing posteng pagdidikitan ng mga campaign posters ng mga kandidato... Oops, nakadikit na pala yung 'Wanted Lady Bedspacer'.
Nothing will go wrong with style. Ang fashion, nawawala rin yan at napapalitan kagad, parang cellphone lang. Pero siguro mas mabuting nakahubo't hubad na lang sa gitna ng kalsada since ang katawan naman ng tao is a masterpiece... lalo na kung sina Madame Auring or Chokoleit ang gumawa nun.