Monday, May 28, 2007

Bye-bye Jetlag!

Kung mga jetsetters o first time niyo mag-cross continent, malamang ay naranasan niyo na ang common problems ng mga travelers; ang jetlag. Ang jetlag ay nangyayari dahil nag-a-adjust ang body clock sa timezone ng bansang pinuntahan. Kung kaya't kapag lalakbay papuntang US o saan mang iba ang timezone sa atin asahan niyo na ang jetlag. Nitong kamakailan lamang may natagpuang isang gamot para sa jetlag, heto ang sikat na blue pill na sildenafil, o ang sikat na VIAGRA

WASHINGTON (Reuters) - The male impotence drug Viagra may be useful for treating jet lag as well, according to Argentine researchers who gave it to hamsters made to feel like rodent globe-trotters.

The researchers manipulated the schedule of turning lights on and off to induce jet lag in the laboratory animals, they reported on Monday in the Proceedings of the National Academy of Sciences.

Adult male hamsters given Viagra, also called sildenafil, recovered from jet lag up to 50 percent faster than hamsters that were not given it, the researchers said.
more stories from Reuters

Kayang i-adjust ng Viagra ang ating body clock ng 6 hours, kaya't malaking tulong ito para sa mga kakilala nating galing sa ibang bansa. Lalo na para dun sa mga OFW at mga balikbayan nating mga kamag-anak. Yun nga lang tandaan na Viagra pa rin ang gamot. Heto lang naman ang ilan sa mga pwedeng mangyari:

  • Magmamadaling umuwi ang mga kalalakihang balikbayan na sabik sa kanilang mga esmi.
  • Magiging mabenta at mabilis mauubos ang mga condom sa mga duty free at mga convenience store na malapit sa airport.
  • Punuan na parati ang mga men's room sa airport.
  • Maraming aalog-alog na mga sasakyan sa parking lot ng airport.
  • Dadami ang mga motels at hotels sa paligid ng airport.
  • Hahayaan na lang mga bata na mamili sa duty free habang sina mommy at daddy pupunta sa CR o di kaya mag-"Let's Get It On!" sa sasakyan sa parking lot ng duty free.
  • Maglalaro ng "espadahan" ang mga kalalakihang jetsetter o balikbayan sa mga CR.
  • Mawawalan o mag-iiba na ang mga trabaho ng mga naggagandahang mga flight stewardess ng eroplano.
  • Maraming lalaki ang dadalhin sa detention dahil mapagkakamalang deadly weapons ang mga nakaumbok sa mga nagsisikipang pantalon ng mga balikbayan at jetsetters.
Marami pang pwedeng mangyari kapag tuluyan ng gawing gamot ito sa jetlag. At saka, mangyayari lang naman ang mga bagay na yan kapag nagtake sila ng viagra sa loob ng eroplano pa lang. Hintayin na munang makauwi sa pamamahay bago i-take ang Viagra para magamot ang jetlag.

Friday, May 25, 2007

Big Scenes, Big Screens

May bago akong ipipitch na project kay Mr. Vic ng Viva Films. Actually, nag-set na ako ng schedule of meeting ulit namin. Yung nauna kong project na para sa Palanca ay hold muna ang productions. Injured kasi ang aming leading lady dahil sa tindi ng acrobatics at stunts para sa project na ito. Nahirapan naman kami sa casting para dun sa aking life-story movie. Hindi qualified ang mga local actors, gusto ko ubertalented ang gaganap sa akin. Though may ni-recommend sila sa akin si Justin Cuyugan daw at yung guy sa PLDT DSL ads. Hindi pa naman sila nag-audition kaya di pa namin makilatis ang talento nila.

Idea ito ng aking pinsan, and they are great stories kaya naman naisipan kong i-pitch nga ito kay Mr. Vic. Magandang gawing movie at talaga namang magiging box-office at kikilalanin ito sa ibang bansa. Baka nga i-adapt din ito ng Hollywood kapag naipalabas na ito. Kaya naman excited na akong ipakita ang draft at synopsis ng bagong movie projects.

Chikinini sa Puwet ng Diablo
Genre: Romance, Soft Porn
Synopsis: Love story ng isang demonyong nainlab sa isang babaeng tagalupa. Nang pumunta sa lupa ang demonyo para manukso sa mga tao, nakilala niya sa isang bar itong babae. Nalasing ng husto ang diablo, may nangyari sa kanilang dalawa, isang one night stand. Kinabukasan ay wala na itong babae ngunit nakaramdam ng pag-ibig ang diablo. Ngunit hindi niya nakuha ang pangalan, contact details at friendster account ng babae, malabo rin sa kanyang isipan niya ang hitsura ng girl. Isang palatandaan lang ang paraan para makita niyang muli ang iniibig na tagalupa. Sa pamamagitan ng naiwang bakas, ang chikinini sa kanyang puwet.

Himagsik ng Baklang Ngongo
Genre: Action, Suspense, Drama
Synopsis: Isang inosenteng baklang ngongo ang pinaglaruan ng tadhana. Sa kanyang pagpadpad sa siyudad maraming bagay ang di niya alam. Nakipagsapalaran sa city para mapaayos ang kanyang buhay at ang kanyang pamilya sa probinsiya. Sa isang di inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang tatlong kababaihang inaakala niyang magiging mabuti sa kanya. Kaya't isang gabing nakasama niya ang mga nagagandahang dilag, hindi niya alam ang nag-aabang na masamang balak sa kanya. Nireyp siya ng mga babaeng ito, at hindi lang rape, gangrape pa. Itinapon siya sa malayong lugar na half-dead. Ngunit ng magkaroon ulit ng ulirat, iisa lang ang nais niya, iisa lang ang pakay niya at yun ay magpa-parlor... este maghiganti at poksain ang mga gumahasa sa kanya.

Kapag natuloy na itong movie project na ito, malamang na hahakot ito ng sandamakmak na awards. Ka-level na rin ito ng mga movie sa Academy Awards, Golden Globe at sasapawan mga movies ng mga Porn Filmfest.

Sino kaya mga bagay na artista sa mga movie projects na ito?

Wednesday, May 23, 2007

Striking Firsts

Nanggaling ako ng glorye nitong Lunes para manood ng Shrek The Third. On the way sa glorye, dumaan muna ako ng Landmark since doon naman ang route ko. Nakita ko sa Landmark na nakadisplay na muli ang mga uniforms at mga gamit pang-eskwela. Nostalgia! Nostlagia! Nagwawater effect na naman ang paligid at dinadala ako sa nakaraan. Ngunit pinigilan ko ang water effect na ito dahil manonood pa nga ako ng Shrek The Third sa G4.

Malapit na namang matapos ang buwan ng Mayo. Karamihan dyan inaayos na ang requirements at nag-eenroll na rin sa mga napili nilang mga schools at universities. Kung nakapag-enroll naman na, nagbibilihan na yan ng mga mapuputing polo, nagkikintabang mga leather shoes at payabangan na sa mga malulufet nilang mga pencil case. Ang mga nakapagtapos naman na ay malamang naghahanap pa rin ng mga trabahong mapapasukan hanggang sa ngayon. At yung mga batugan naman dyan, naghihintay na lang ng grasya sa iaabot ng mga magulang at inaabangan ang tawag ng barkada para malibre siya sa swimming.

Since mas marami ang magsisipasukan sa mga bago nilang schools at mga mag-a-apply sa mga trabahong nais kaysa sa mga inutil na tumutulo ang kanilang mga laway sa mga unan, bigyang tuon natin ang mahalagang bagay sa mga incoming Freshmeat... este Freshmen at mga aplikante, ang First Impression.

Malaking bagay ang first impression, judgmental kasi ang karamihan ng tao. Kaya naman dapat kahit papaano madaya natin ang impresyong ito sa umpisa pa lang. At kung may recall ang first impression na ito, mas mabuti dahil mas makikilala kayo sa ginawang ito.

  • Syempre, dress to impress. Hindi naman necessary trendsetter, basta mahalaga maayos lang ang suot niyo. Pero kung talagang nais makaagaw pansin, magsuot kayo ng christmas tree, costume ni Jollibee o gayahin ang fashion statement ni Kuya Germs at Tessa Prieto-Valdez.
  • Less is more. Contrary sa una kong suggestion ito. Hindi naman kailangang agaw pansin ang suot, pwedeng minimalist lang. Pero kung may recall, wag na lang magsuot ng kahit ano. Magpakita kayo sa interbyu at first day of school ng hubo't hubad, magandang first impression yan. Maaalala kayo ng sobra-sobra.
  • Bigating tagline. Kapag ipapakilala ang sarili, tandaang maganda ring merong bigating tagline na bibitawan. Aalalahanin kayo palagi sa bibitawan niyong salita. Gayahin niyo itong sinabi ko noong first subject sa first day noong first year ng college ko:
    "Hi I'm Billycoy Dacuycuy and I'm still available."
  • Scent attracts. Malakas ang epekto ng ating amoy sa pagtawag ng pansin. Pwede pa itong ma-enhance through the use of perfumes. Hindi naman kailangang magpabango para ma-enhance ito, huwag lang maligo ng isang linggo hanggang pasukan, tiyak na tatatak ang amoy sa mga makakasalamuha sa unang araw.
  • Be confident and trust yourself. Confidence ang nagpapalakas ng appeal ng tao. Walang kwenta ang assets kung hindi naman bilib sa sarili. Isantabi ang hiya lalo't kung wala namang ginagawang masama at nakakasakit. Kaya't laklakin ang Lactacyd Confidence upang tumaas ang inyong self-esteem.
Malaking bagay ang first impression, doon kasi kagad hinuhusgahan ang isang tao; snap judgment. Hindi ito maiiwasan lalo't kung madalas may makasalamuhang mga bagong tao o environment.

Kayo? Ano ba first impression niyo sa akin? As of blogging and not in person. Kasi kung in person alam ko namang sasabihin niyo lang na ubergwapo ako!

Monday, May 21, 2007

Booze Overload II: Knocked Out

Marami talagang nagaganap sa lahat ng inuman. Heto yung mga pangyayaring talagang tatatak sa mga isipan at kapag naalala ang mga kaganapang iyon, tatawanan talaga. Pero walang silbi ito kung kayo ang lasing at kayo ang pinagtatawanan. Kaya nga sa lahat ng inuman, mas mabuting moderate pa rin para naman maging witness sa kabalbalan ng mga kainuman.

It's not flying... It's falling with style.
Birthday ng pinsan ko noon sa Parañaque. Talaga namang high tide ang mga panahon na iyon ng alak, at siyempre since lahat ng mga tao dun ay hayok sa alak, nagpakalunod din ako. Noong nasa Booze Level 2 na ako, akyat-baba na ako para pumunta parati sa CR — nasa rooftop ang inuman, nasa 3rd floor naman ang CR. Yung hagdan pa man din pababa tiles tapos wala pang railings noon. So nung bumaba, as expected, nadulas na nga ako at nalaglag ako patagilid. Naging anghel ako na naputulan ng pakpak at inilaglag ng langit sa lupa. Mabuti na lamang nandun ang pinsan ko sa 3rd floor kaya nasalo niya ako. Kung nagkataon, magagaya ako sa mga aktor ng telenobelang hindi maalala ang nakaraan. Pagkatapos nun ayos lang ang damit, ang tayo at bumalik sa taas para makipag-inuman ulit. Parang walang nangyari. Mabuti yung pinsan ko lang ang nakakita, yun nga lang pagbalik ko naman sa taas ako na pala ang topic nila.

The rebel unraveled
Doon pa rin sa bahay ng pinsan ko sa Parañaque. Wala namang liparang naganap kahit wala pa ring railings ang stairs. Bumaha na naman ng alcohol at umulan ng pulutan. Since ako walang pakialam noon sa dami ng iniinom ko, talaga namang nagpakalango ako ng husto. Kapag di ko nadadatnan ang tagay ko talaga namang dinodoble ko pa. Ang sarap ng red horse sa akin ng mga oras na iyon, ang lakas talaga ng tama ng ihi ng pulang kabayo. Hanggang sa umabot na ako sa Booze Level 4, blockout na ako, wala na talaga akong maalala ng mga oras na iyon. Pero ang narerecall ko lang, I'm speaking english that time. Naging aktibista ako sa mga saglit na iyon, kulang na lang placard, pumunta ako sa harap ng Malacañang para magwelga mag-isa doon at mga firetrucks na magbubuga ng tubig sa aking yummy na katawan. Tapos, maya-maya umiiyak na rin ako at kung anu-ano na mga pinagsasabi ko. Grabe talaga, ayaw ko na talagang maalala yun, buti na nga lang wala akong maalala dun.

Puke Pocket... it's not the sex toy!
Noong college days ko, sandamakmak na inuman. Bakal ang mga sikmura sa tindi ng tama ng alak. Patayan nga palagi ang inuman, at walang pakialam kung makatulog pa sa gitna ng kalsada dahil sa grabeng kalasingan. Isang karanasan ng college friend ko, grabeng inuman, talagang bangenge na ang lahat. Siya naman, nasusuka na, walang plastik o anuman sa paligid na pwedeng pagsukahan. Naka-uniform pa naman sila noon kaya sa bulsa ng polo niya siya sumuka. Pagkatapos niyang sumuka dun, na-realize niya sigurong polo pala iyon, kaya hinampas ng kanyang naglalakihang kamay ang pocket ng polo niya kaya naman mas lalong kumalat ang suka sa kanyang damit. Yummy!

Where's the chicken?!
Birthday ng isa pa naming college friend. Dumating yung kabarkada — yung sumuka — galing Canada para sorpresahin kaming lahat sa birthday na yun. At siyempre marami pa ring alak pati pagkaing handa. Since hindi na kami college ng panahon na ito, hindi na ganun kalakas ang pag-inom. Moderate lang ang kalasingan, kung sa aking Booze Level hanggang 3 lang. Marami rin handa ang celebrant nun, kung anu-ano pa. Masaya din namang natapos ang lahat. Pero nung pauwi na pala etong friend namin from Canada sa kanilang tahanan sa Laguna, nu'ng magbabayad na siya ng pamasahe sa jeep, may nakapa siya sa kanyang bulsa. Pera? Hindi. Susi? Hindi rin. Jebs ng kalabaw? Eww. Eh ano? Drumstick ng Fried Chicken! Para hindi masyadong mapahiya, kinain niya na lang yung katakam-takam na fried chicken, at palagay ko nainggit pa an ang mga pasahero ng jeep sa kanya. Pagkatapos, nu'ng magyoyosi naman siya, meron na namang nakita sa loob ng cigarette box. May lumpiang shanghai! Since ok pa naman at mukhang sumptuous pa, kinain niya na lang ulit.

Masaya talaga ang mga inuman, pero mas masaya kung naaalala niyo ang lahat ng mga nangyayari. Kung magpapakabangenge naman kayo sa tawag ng alak, bahala na kayo. Ano man ang mangyari sa inyo kapag nablockout kayo, nandito naman kami para tumawa sa inyo.

Basta tandaan: Uminom lang palagi ng may tama!

---------------------------------

Ginawan pala ako ni Mica ng isang featurette sa kanyang blog. Labis akong natuwa dahil ilang beses niya ring nabanggit na ako'y Uber Gwapo at ang aking pasaway na alagad. Siya na ang nagpatunay nito. Kaya't ako'y lubos nagpapasalamat sa ginawa niyang ito. At para kahit papaano makabawi man lang kahit konti basahin niyo:

Friday, May 18, 2007

Hopelessly Addicted to You

Nag-tag sa akin si Jhed. Kung hindi niyo napapapansin hindi po talaga ako sumasagot ng mga tags. Sa friendster lang kasi ako sumasagot ng tags, yung mga survey sa bulletin board. Nakakasawa rin kasi, kadalasan umuulit tapos karamihan naman ng tanong doon pwedeng ilagay sa profile. Dahil ako'y dakila at merciful na nilalang kung kaya't napagbigyan ko siya. Saka gusto ko yung tema ng meme na ito. Langya nga lang, hinaluan pa ng math ang tag na ito, sumpain ang Math! Ang tag na ito ang kauna-unahan at kahuli-hulihang sasagutan ko. Sungit ko 'no? Interesting din naman kasing sagutan at challenging, kaya here we go.

Rules:
1. Write about how much addicted you are towards something.
2. Don’t forget to include the percentage of ‘addictedness’ towards that thing.
3. All with one condition.. the total percentage must reach 100%.
4. You MUST tag others and continue tagging but please don’t forget to explain the rules and please notify that person so that they know they had been tagged.


37.62% Music Addict
Hindi ako mabubuhay sa isang araw na walang musikang naririnig. Hindi rin ako nakakapagtrabaho ng walang music. Kahit anong genre pa yan pinapakinggan ko, mula sa malamyos na tinig ng mga ballad hanggang sa mga paos at malapot na plemang nakakapit sa mga boses ng mga rakistang heavy metal bands. Mahina nga lang ako sa lyrics. Wag lang akong paparinggan ng mga kanta ng Cueshé (Kwe-shei), Lito Camo, at mga buybands dahil ako'y magwawala, mangmamasaker at tadtarin ang mga DJ ng StarFM, Love Radio at iba pang DJ's na nagpapatugtug ng mga bakya at nakakabobong tugtugin.

26.2538% Movie Enthusiast
Mahilig talaga ako... sa movies. Kung iniisip niyong porn movies lang ang hilig ko... tama kayo... este mali kayo. Isa akong subconscious movie critic, kadalasan nga binabasa ko muna ang review or ratings ng mga critics bago ako manood ng sine. Ayaw ko kasing manghinayang sa ipangbibili ko ng ticket. Salamat sa HBO, Star Movies at mga pirated DVD's dahil napapanood ko ang mga di ko masyadong trip o yung mga gusto kong ulitin doon. Pero suggestion lang, kung alam niyong crappy, basura at walang katorya-torya ang papanoorin niyong movie, mas mabuting manood na lang kayo ng porn, wala silang pinagkaiba... yun nga lang mas nakaka-arouse ang porn.

22.329% Fashion Freak
Fashion conscious ako, pero di naman ultimately fashionista o ano. Sa paglalakad nga lang, aakalain mong may kaaway ako o ginagawa kong catwalk ang mga sidewalk, kalsada at ang mga pedestrian lane. Pati mga paghinto ko talagang laging strike-a-pose kulang na lang camera para kuhanan ako. Mga kilos ko rin picture perfect palagi, sasandal lang sa pader pwede ng ilagay sa mga poster ng Guess at Levi's.

8.168% Blogging Blogger
Hindi ba halata? Ganyan lang kasi ang buhay ng walang magawa at ng walang juwawhoopers sa buhay, ang magsulat ng walang kakwenta-kwentang mga bagay-bagay sa mga buhay-buhay. Nakakatuwa kasi ang pagsusulat, marami akong buhay na nasisira at natuturuan ng masamang impluwensiya.

5.4292% Kulangotero
Since palagi akong sinisipon, kapag pagaling naman na ito nagiging kulangot na. At syempre ang kulangot lalo kung malalaki, nakakailang ang pakiramdam sa loob ng mga nostrils. Ang pinakamadaling gawin, ay ang mga daliring sakto lamang sa butas ng ilong para matanggal ang mga nakabara at naglalakihang mga nyangot. Don't worry kung makikipagkamay kayo sa akin, lagi naman akong naghuhugas ng kamay saka di ko naman ginagawa in public... minsan lang, sa dilim.

0.2% Sexually Inclined
Maliit na bahagdan lang ang sex sa aking addiction. Una sa lahat wala naman akong kapopoy para maranasan ang bagay na ito. Isa akong banal na nilalang pero hindi naman ibig sabihin wala na ang sex sa aking isipan. Meron din naman kahit kaunti lang. Wholesome akong nilalang, pero siyempre dapat may maliit na sexual inclination din naman.

Hayan natapos rin ako sa tag ko tungkol sa mga kinaaadikan kong mga bagay-bagay. Actually marami pa akong mga kinaaadikang bagay at gawain, baka kasi sa isang taon pa matapos ang pagbabasa niyo kapag isinulat ko ang lahat ng mga iyon. Makapag-tag na nga lang ng ibang nilalang para makabawi naman saka masimulan ko na itong pagsinghot ng asukal.

Heto ang mga gagaguhin at ita-tag ko:
  1. The Singing Sensation Ron: kironobu.blogspot.com
  2. John Lloyd Clone (daw) Joe: sephthedreamer.blogspot.com
  3. Birthday Boy Today Arnel: loverboyparadigms.blogspot.com
Alamin niyo rin mga pinagkakahumalingan ng mga nilalang na yan.

-----------------------------------------------

Anyway, pwede niyo ng i-update ang mga link niyo pwede ng gamitin ang http://www.billycoy.co.nr para i-redirect sa blog kong ito... or pwede ring hindi na kasi nagagamit pa naman yung dati kong URL. Kung saan kayo masaya suportahan ko kayo.

Wednesday, May 16, 2007

THE Day Arrived

Ang araw na ito ay napakahalaga para sa akin. Bukod na napakainit sa labas ngayon, Baclaran Day at nagdiriwang ang aming bayanan sa kapistahan ni Juan Nepomuceno, ay may iba pa akong ipinagdiriwang ngayon. Ipinagdiriwang ko ngayon ang aking ika-17... este 24 na kaarawan. Yap, you got it right, 24 na ako ngayong ika-16 ng Mayo. Since eyspeysyal nga ang araw na ito, ishe-share ko na lang ang ilang bagay tungkol sa araw na ito.

The Origin of Billycoy

Gabi noon nang magsabong ang pag-ibig at kalibugan ng dalawang nilalang na nagbigay ng buhay sa isang inosente na nagpakabondat sa loob ng fallopiana de tuba ng kanyang ina. Lumipas ang siyam na buwan, ika-16 ng Mayo ng taong 1983, pista sa kanilang bayan, sa isang ospital ng Makati naka-sked na lumabas ang inosente at mangmang na musmus sa sinapupunan. Biniyak na ang tiyan upang makalabas na ang napakalaki at malusog na musmus na di mo aakalaing magkakasya sa sinapupunan ng kanyang ina. Lumabas na ang produkto ng pagmamahalan at kalibugan... at ako yun.

Sikat noong mga panahong yun sa PBA ang import na si Billy Ray Bates. Kaya naman napili ng mga magulang kong ilapit ang pangalan ko sa kanya. Ngunit ayaw nilang maging eksaktong katulad ang pangalan ko sa kinikilalang import. Kaya naisipan nilang gawing Billy Boy na lang ang pangalan ko. Ngunit noong ipaparehistro na ang aking pangalan sa NSO, dumulas ang mga daliri ng eng-eng na registrar ng NSO sa typewriter. Kung kaya't sa halip na Billy Boy ang matipa, naging Billy Coy tuloy. Hindi naman ito napansin ng aking ama — dahil siya ang nagparehistro — kaya't nalaman na lang namin ang pagkakamaling ito noong magtatapos na ako ng high school.

Two in One

Bukod kina Pierce Brosnan, Janet Jackson at David Boreanaz na kasabay ng aking kaarawan, ipinagdiriwang din ang kapistahan ng aming munting bayan sa Pasay. Kaya naman noong kabataan ko saan man ako magpunta ay sinusundan lagi ako ng banda, kahit bumili lang ako sa tindahan ni Aling Kepya na tatlong bahay lang ang layo sa amin. Imbis na bodyguard ang madalas kong kasama ay mga unipormadong mga banda at nag-iingayang mga tambol at torotot ang mga kasama ko. Hindi rin ako natuwa noon kasi pupunta lang ako sa likod-bahay para lang makipaglaro sa mga kababata ko ay hayan na naman sila at mag-iingay na parang akala mo fiesta na lang parati.

Noong medyo nagkaedad naman na ako hindi naman na ako sinusundan ng banda. Nalaman ko rin na ang ibig sabihin pala ng pangalan kong Billycoy ay "anak ng Fiesta". Wala namang language akong pinagbatayan ng aking kakaibang pangalan kagaya ng Latin, French, Chinese o dayalekto man ng mga dikya. Wala naman sigurong masama kung bigyan ko ng meaning ang pangalan ko, may aangal ba? At dahil kasabay ko nga ang kapistahan, nakakalibre na ako ng handa kasi dinadala ko na lang ang mga bisita ko sa Hermana Mayor para dun na magkainan at magdiwang.

Birthday ko ngayon, kahit isang beses yata wala pang juwawhoopers na bumati o pumunta man lang ng bahay para ipagdiwang namin ito at magpaputok pagsapit ng gabi. Darating din yun, wait ko lang. Pero sa ngayon, hinihintay ko na lang ang mga regalo sa akin. Yung merong sizzling hot girlfriend sa loob ng malaking birthday cake. O kaya naman bigyan nyo na lang ako ng sex toy... yung vibrating pussy. Seryoso!