Friday, March 30, 2007

Someday My Dreams Will Come


Noong mga bata pa tayo at mangmang pa ang musmus nating pag-iisip, may isang tanong na paulit-ulit na kinukulit sa atin. Baka nga sa tuwing tatanungin ito magpapantig na lang ang iyong tainga, didilim ang iyong paningin at kikitilin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak ng Mongol sa kanyang puso. Pero dahil nga mangmang at wala pang alam sa mundo hindi mo ito ginawa. Sinong bata ba ang hindi tinanong ng "Ano gusto mo maging paglaki?"

Lahat tayo tinanong niyan at kahit tayo tinatanong natin yan sa mga bata ngayon. Yung mga sinasagot natin noon malaking impluwensya para mabuo natin ang mga pangarap natin. Ano nga ba ang mga gusto kong maging ngayong malaki na ako at makapal na ang pubic hair sa ilalim ng aking brief?

Doctor. Pwede akong mag-medicine noon sa UP at sasagutin ng tiyuhin ko sana ang tuition ko doon. Kaso hindi ko pinili kasi inisip ko matagal ang bubunuin ko sa pag-aaral, imagine 5 years or more sa school, inisip ko na baka hindi na ako magka-girlfriend o mag-asawa sa ganung tagal. Hindi ko nga kinuha pero heto USB pa rin ako at wala pang napopopoy kahit isa.

Mafia Lord. Hindi ko lang gusto maging hitman o assassin, gusto kong maging head ng mga sindikato lalong lalo na sa MAFIA. Napakapowerful ko kung sakali, may hawak ako sa politika at sa mga illegal na transaksyon at mapapapatay ko na ang mga gusto ko kahit pa ang mga ipis at langaw na hindi man lang nadudungisan ng dugo ang aking mga kamay.

Drug Lord. Kailangang magtake ng enterpreneurship or business course at pagkatapos pharmaceutical para maging drug lord. Malakas ang sales dito, lalo na siguro kung magkaroon ako ng mga puwesto sa mga malls kahit isang booth or boutique lang. Nais kong dalhin sa heaven ang maraming nilalang.

Papa Sang. Ang maging sikat na bugaw sa mundo ng boogie wonderland ay tagal ko ng pinakakaasam. Gusto ko maging middleman lang sa mga negosasyon, huwag lang ako yung gumagawa ng aksyon. Hindi naman ako papayag na ibigay ko ang aking virginity kung kani-kanino lang, masaya na akong makakuha ng 90% komisyon sa mga talents ko.

Porn Star. Napagdesisyunan ko na lang na hindi ituloy. Iba kasi magiging reaksyon ng mga viewers ko. Instead na ma-arouse ay baka magtatakbo sila sa kanilang kwarto magtalukbong sa kumot habang hinahayaang nakabukas ang ilaw sa takot oras na makita nila ang kahubdan na aking katawan. Instead na porn film ang ipapalabas ko ay maging horror movie at daigin pa sina Freddie Kruger at Sadako sa pananakot.

Simple lang naman ang mga pangarap kong yan. Matupad ko lang ang isa sa mga iyan, laking ligaya ko na at malamang daig pa ang orgasm na mararanasan ko once na madevirginize na ako. Pero kung mahihigitan pa nga nito ang orgasm ko, hindi rin yata ako papayag. Mas gusto ko yata ang ligaya sa orgasm!

Wednesday, March 28, 2007

Crying is Not Enough

Malapit na talaga katapusan ng Pilipinas. Kung mga artista nagiging politiko, ang mga politiko naman nag-aartista. Napanood niyo na ba yung audition tape ni Manay Tessie? Hindi ko nga alam kung anong talent search ang sasalihan niya, kasi tapos naman na Starstruck at wala naman na yung Star Circle Quest. Saka kung sakali mang meron pa, nangangamoy alimuom at lupa na siya para sa mga ganung contest.

Kung ako huhusga sa drama niya dun sa audition tape niyang ipinapalabas sa TV, naku bagsak siya. Hindi ko nga nadama yung mga nais niyang iparating. Akala niya naman sa ginawa niyang pag-iyak sa national TV matatalo niya ang superstoned... este superstar Nora Aunor o kaya ang dakilang Juday. Daig pa nga siya ng mga emo youtuberos sa pag-iyak. Kahit nga sa pagsayaw-sayaw niya noon hindi rin pasado. Malambot pa ang mga poste sa kanto kaysa sa mga kinakalawang sa osteoporosis na mga buto niya kaya nga di ko talaga maintindihan kung paano siya naging dancing queen!?

Kung gusto niya sanang sumikat komunsulta sana siya sa akin baka natulungan ko pa siya. Heto lang naman mga paraan para sumikat siya:

  • Sumali sa mga reality shows gaya ng PBB. Since hindi naman siya talented pwede siyang sumikat dito. Tulad na lang nila Kim at Gerald, sumikat kahit puro pa-cute lang ang alam.
  • Makiapid sa mga boyfriend ni Kris Aquino. Mabilis siyang sisikat, parang si Hope.
  • Magsuot ng mga kakaibang damit gaya ni Tessa Prieto-Valdez. Yun nga lang sa case niya magmumukha lang siyang matronang hindi mabili sa kalsada ng Timog Ave. at Baywalk.
  • Kaawayin si Gretchen Barretto. Sumisikat din mga kaaway nun.
  • Pausuhin niya ang kanyang dance move. Baka ungusan niya pa ang Itaktak Mo at Boom Tarat-tarat.
  • Gumawa ng sex scandal at ipalaganap sa internet at cellphone. Marami na rin ang kilala sa mga scandals, isa na diyan ang hotel heiress na si Paris Hilton. Pero kapag ang sa kanya na ang lalabas, hindi kaya maging curse ito sa mga cellphone at virus sa PC?
  • Sumali sa forbidden questions ni DJ Mo at siguradong magiging controversial siya kapag tinanong sa kanya yung "Dude, we know your gay" lalo kung sinagot niya sina Piulu, Sam Melbi, at Erik Santos. Ang masama lang kung umabot siya sa "Show me the puppies!" at patulan niya ito.
  • Baka sa excitement niya dun sa "Show me the puppies!" magkaroon na rin siya ng "Manay Tessie Gone Wild" video, kung saan binubuyangyang niya ang kanyang mga puppies.

Marami pang ibang paraan para naman makapasok pa siya sa showbiz, bakit pa kasi ganung audition tape pa. Kumunsulta kasi kagad kay Gina Alajar para magawa yun kaso parang si Gina na rin mismo nahirapan sa pag-arte niya. Kung ako sana kinunsulta niya baka natulungan ko pa siya kung paano sumikat. Nagsayang lang siya ng sandamukal na salapi sa kanyang TV audition tape ad.

Monday, March 26, 2007

Attending the Sunday's Concert

Ang mga Pinoy, lumaki sa mga noontime variety show. Tanungin man ang sinumang Pinoy na nagkalat sa kalsada, bata o matanda, lalaki o babae, may ngipin o wala, regular o irregular, single o married, normal o timang, may TV o wala, alam nila ang noontime variety show. Kultura na nga natin yan at bawat isa may kanya-kanyang paboritong variety show, GMA, ABS-CBN, IBC-13 at iba pang free TV stations.

Monday to Saturday, naghahari ang Eat Bulaga at Wowowee – pero more on game show itong Wowowee. Pero kapag Linggo na ang noontime variety shows, nagtatransform na akala mo bilog ang buwan at may lalabas na usok sa paligid at nagiging Koko Crunch… este Concert TV ang mga ito. ABS-CBN merong ASAP (Ako’y Sex Addict Po) at GMA merong SOP (Sex Orgy Please). Hindi ko nga maintindihan kung paano nagging concert TV ang mga variety shows na ito samantalang mga lalaki at mga babaeng nagngangawaan na tila mga buntis at nagle-labor ng natural at hindi C-section.

Hindi ako nanonood ng mga “Concert TV” na ito dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

  1. Lahat ng mga performers dito puro Birit Kings and Queens. Lahat na lang ngumangawa at tumitili. Kahit nga mga RnB, Soul, Rock artists nila bumibirit. Kaya siguro dumadami mga palengkera at bungangera sa panahon ngayon.
  2. Pinapakanta at pinagli-lipsync ang mga matinee idols at love teams. Isinama pa si Richard Gomez – buti wala siya ngayon. Malapit na pati mga palaka, bayawak, butiki, bubuli, dinosaur at iba pang mga uri ng reptiles at amphibians kakanta na rin.
  3. Pinapasayaw ang mga bakal ang buto at mga di nalalangisan ang mga joints sa katawan.
  4. May album na si Dennis Trillo. Ewan ko kung matino o mas hibang pa sa mga pasyente ng asylum ng Makati Med ang mga producers nito. Alam kong kasali siya – o may banda siya dati – pero sa pagkakaalam ko drummer siya at hindi vocalist. Hindi ko na lilibakin si Dennis Trillo dahil kapwa ko Taurean at ilang araw lang ang pagitan ng birthday namin.
  5. Ang mga champions at mga nanalo sa mga singing contest na lalaki ay naka-bra’t panty sa ilalim ng mga suits at damit nila. Malamang din na kapag inalis na nila ang mga pantalon nila naka-palda with peticott pa.
  6. At higit sa lahat, lingo-linggo na lang may birthday. Mapatapat lang sa week or malapit sa araw ng lingo ipagdidiwang na nila ito, with matching cakes, phone patch at video greetings ng mga kaibigan at mga pinaplastikang tao. Kahit yata kapatid ng kaibigan ng pinsan ng tiyuhin ng bayaw ng fans niya sinasama sa mga greetings.
Nang dahil sa mga iyan hindi na ako nanonood at mas pinipili kong makinig ng makalumang tugtugin na pinapakinggan ng mga peyrents ko sa Star FM kapag linggo. Unless ganito ang gagawin nila sa opening jingle ng SOP:

“Sex Orgy, Sex Orgy, Sex Orgyy…
Sex Or-gy, dito sa GMA! (2x)”

Nakakainis na talaga. Pero ilang months na lang birthday ko na, saan kaya mas magandang i-celebrate ito, SOP o ASAP?

-----------------------------------
Maiba muna, Philippine Blog Awards 2007 na sa Sabado. Hindi po ako pinalad na maging finalist. Sayang nga lang yung mga inalay kong mga dugo ng birhen sa altar ng dakilang Juday dahil hindi niya naman binigyang pansin ang aking hiling. Pero dahil naihanda ko na ang kasuotan ng alipin ko kaya kailangan niyang umattend. Isa pa sayang ang mga premyong iPod at cellphone. Kaya nga ipinadala ko na sa kanang kamay ko ang gatling gun para siguradong kami ang mag-uuwi nun dahil kung hindi, masaker ang mangyayari sa awards night!

E-mail niyo ko dito crost22@gmail.com

Friday, March 23, 2007

Wheel of Fate

Meron ang nag-iisang frustration sa buhay. Higit at natabunan niya pa ang frustration ko sa pagiging virgin at USB (Unloved Since Birth). Nang dahil sa frustration ko sa bagay na ito, maraming aspeto ng aking buhay ang naapektuhan. Matindi ang epekto nito sa akin at talaga namang nakakabagabag ang mga ito. Kaya't kumapit na kayo sa inyong mga silya at lamesa dahil matinding bagyo ang mababasa niyo dito at liparin ang bawat parte ng katawan niyo papunta sa Pasig River at kainin ng mga piranha dun.

Hindi ako marunong magbisikleta. Sa buong 23 taon kong buhay sa ibabaw ng crust at pananatili sa biosphere ng planetang earth, hindi ako natutong magbisikleta sa bike na dalawang gulong lamang. Kaya ko naman yun kung meron pa yung dalawang extrang gulong na maliit, magagawa ko pang magbalanse o hindi kaya pedicab, dahil tatlo ang gulong nun. Pero kapag dalawa lang, kapag ipinilit ko malamang ako'y mapapasubasob at masisira lang ang aking irresistably attractive highly stimulating uber handsome face at baka mawalan pa ako ng seductively arousing sex-appeal.

Nang dahil sa di ko pagkatuto magbike, ang laki ng epekto nito sa akin.

Walang balanse. Sa bike mahalaga ang balance, kapag wala nito, maaaring tumumba sa kahit anong side nito at magiging duguan dahil magagalusan. Kaya naman naging clumsy ako at walang balanse sa maraming bagay. Nauuntog, natatapilok, nakakatabig, nakakaapak at kung anu-ano pang bagay na clumsy talaga. Pero sa aking palagay, malakas na sex appeal itong pagiging clumsy ko, nawawala kasi ang respeto ng tao sa akin.

Hindi ako nakakalayo ng bahay. Dahil nga hindi ako marunong magbisikleta ang pinakamalayong napupuntahan ko lang mula sa bahay, ay ang likod-bahay lang namin. Nandun lang ako nakatunganga sa langit at nag-aabang ng babagsak na babae o kaya pera mula sa mga ulap.

Isa akong powerwalker. Mahilig akong maglakad, mabilis pa. Kahit malayo kaya kong lakarin, huwag lang naman mula Aparri hanggang Albay dahil ayaw ko namang magkapaltos-paltos ang paa ko at matunaw ang swelas ng sapatos ko. Pero dahil sa hilig kong maglakad at hindi natutong magbike, natuto naman akong magstrike-a-pose ala male fashion model. Lahat ng kalsada sa akin nagta-transform to catwalk.

Naging single at virgin. Heto ang malufet na epekto ng di ko pagkatuto sa pagba-bike. Naging USB at extremely delicious virgin ako dahil dito.

Pero napagtanto ko sa aking ultimately pathetic life na ang aking iibigin at magiging ang kaabang-abang kong soulmate ay ang babaeng magtuturo sa akin magbisikleta. Nakatadhana na siguro ito sa aking mga makalyong palad kaya hindi sa aking pinaubaya ang matuto magbike. Darating din yun balang araw... sana now na!

Wednesday, March 21, 2007

Sing and Die

Likas sa mga pinoy ang maging mahilig sa pagkanta. Nasa dugo na nga natin ang pagiging mahilig sa sex... este sa singing. Kaya nga patok na patok sa atin ang mga singing contest gaya ng Tanghalan ng Kampeon, American/Philippine Idol, Pinoy Dream Academy at Pinoy Pop Superstaar!!! Pero hindi lahat ng kumakanta ay blessed, marami din dyan ay sinumpa at tinalikuran ng mga awit at kanta, at karamihan din ay namamatay dahil sa mga awitin. Makarinig ka ba naman ng mga sintunado at mga pumipiyok ay malamang maposess kayo ng mga Spartan at bigla na lang mansibat sa mga mang-aawit.

Kung hindi niyo alam, naging glee club member ako during my puberty period, 13 years old, 1st year highschool. Tenor pa nga ako noon, pero saglit lang stint ko noon, kasi itinatakwil ako lahat ng mga awitin, isinusuka na ako at kulang na lang isumpa at gawin akong palaka. Sayang, hindi ko tuloy napaghusay ang aking singing prowess. Dahil kung sakali, laging babagyo at babaha na kasingtaas ng Enterprise building sa Makati tuwing linggo dahil makikita akong kumakanta sa SOP (Sex Orgy Please) o di kaya sa ASAP (Ako'y Sex Addict Po).

Maraming bagay ang dapat tandaan sa pagkanta upang maperfect at mapuri naman kayo ni Simon Cowell at hindi yung binging kaibigan niyo.

Range of Voice. Nagva-vary yan, depende kasi kung anong genre ang nababagay sa kanta o kumakanta. Kung kumakanta at hindi maintindihan ang mga letra o lyrics ng awitin at tipong nginunguya niyo na ang kanta, masuwerte kayo dahil isa na kayong diva. Kapantay niyo na sina Mariah Carey, Celine Dion, Whitney Houston at Regine Velasquez. Ayon sa Rule #1256 of singing, ang mga mataas na kanta/boses hindi na naiintindihan ang lyrics.

Huwag uminom ng malamig na tubig. Instead, uminom ng kumukulong tubig dahil tutunawin niya kung ano mang nakabara at pati lalamunan niyo. Mabuti ang clear throat para talaga namang maabot niyo ang mga tamang tono. Mabuti rin kung samahan niyo na ng chlorox para mas malinis at germ free.

Kumanta sa tubig. Sina Regine at Sarah ginawa ito at magandang gawin rin ito. Nakakatulong kasi ito para sa proper breathing at exercise sa diaphragm kapag kumakanta. Mas maigi ito kung ilulubog na rin ang ulo. Maghanap ng kasama para siya ang magtulak ng ulo niyo sa ilalim ng tubig at i-make sure niyang hindi na humihinga ang nakalublub.

May kantang pamatay at nakamamatay. Heto yung mga kantang pang-suicide at pwedeng gamitin sa mga giyera dahil nagiging warsong din ito. Kaya kung nais ng magpakamatay o gumawa ng gulo, kantahin lang ang "My Way" at "High" at samahan pa ng nakakainis na boses ng kurikong at lagyan pa ng kakaibang kurbada ang boses. Sureball ang gulo sa mga kantang iyan.

Kaya kung sasali kayo sa mga singing contest at kahit sa videoke dyan sa kanto, tandaan lang ang mga bagay na yan. Maghanda na rin ng barong tagalog or any formal dress at ipaghanda na rin ang mga janitor ng mga mop dahil magiging madugo ang kompetisyon.

Monday, March 19, 2007

The Great Escape


Nakatingin ako sa salamin, tinitingnan ang aking sarili. Nag-aayos ng buhok, naggugupit ng tutsang sa ilong at sinisipat ang bawat pores ng aking ilong. Maraming blackheads at may ilan ding pimples na tinatawag ako at sinasabing "Tirisin mo na ko, c'mon honey!" Pinipilit kong labanan ang tawag niya ngunit ang mga daliri ko ay may sariling utak at tinahak ang daan patungo sa tighiyawat.

Dumampi na ang mga daliri sa zit nang biglang dumilim at lumabas mula sa kadiliman si Charo Santos-Concio. Papalapit na siya sa akin nang biglang nalaglag mula sa kawalan ang isang black na piano at nabagsakan si Madam Charo. Tumingin ako sa taas upang hanapin kung saan nanggaling ang mahiwagang piano ngunit sa gulat ko may nalalaglag pang muli. Si Mr. C ang nalalaglag. Bumagsak si Mr. C sa upuan ng piano, nagpagpag lang ng kaunti at nagpatugtug sa piano ng isang malamyos na musika. Nagwater-effect muli ang paligid.

11 years old ako noon, halos kakasimula pa lang ng summer vacation at ilang araw pa lang natatapos ang klase. Ginising ako ng umagang iyon ng aking ina "Anak gising na, magpapatule daw kayo!" Nagulat ako at tila bumagsak ang upper deck ng aming double deck at napisak ang utak ko sa mga nasambit ng nanay ko. May libreng patule kasi ang madalas na ginaganap sa aming wasted crazy town dito sa Pasay. Hayun nag-ayos na nga ako, wash wash ko lalo dun sa patotoy dahil nga tutuliin na kami.

Dumating kami doon sa eskwelahang gaganapan kasama ng pinsan ko at isa pang kababata - pinsan ng pinsan ko. Marami ng mga batang lalaki ang nakapila din upang maging ganap na silang lalaki paglabas sa silid na ginaganapan ng ritwal. At siyempre dahil kasama namin ang lolo ng mga kasama ko at may katungkulan siya sa baranggay at kinikilala sa aming wasted crazy town isiningit at pinauna kami sa pila. Regal shockers, kinakabahan na ako, hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil hindi pa ako handang tanggalan ng excess skin sa aking patotoy. Aba gumising ba naman na bubulaga ang ideyang pagpapatule sa mismong araw at oras ding yun. Kailan din siyempre ng preparation at basbas ng mga santo at ng mga disipulo ni Juday!

Nag-excuse muna ako sa eksena at sinabing iihi muna ako. Sumunod naman itong kababata ko - pinsan ng pinsan ko - at pagkatapos naming sundin ang inuutos ng kalikasan nag-usap kami. Ganun din siya hindi pa siya ready, so nagdevice kami ng plan ng pag-eskapo. Aakalain mo kami'y mga munting kriminal na nais tumakas sa paaralang mistulang torture chamber ng mga panahong iyun. Tumingin kami sa likod, may pader ngunit masyadong mataas ang pader at baka mapilayan lang kami kung sakali. Ibang plano ulit, kaso kailangang sa front gate kami dumaan. Kaya hayun, sinipat namin ang mga lugar na pwede naming daanan at hindi kami mapapansin basta-basta. Pagkatapos sipatin, hayun tumakbo kagad kami ng matulin at umalis sa lugar. Alas, successful ang misyon at nakatakas na kami sa torture chamber. Kaya ayun ng pag-uwi, basyo ako ng mommy dahil naging successful ang pagtakas namin.

Sumunod na taon, naging successful ulit... pero hindi na kami, kundi ang mga doktor na nagtule sa amin. Lumipas ang ilang panahon, nadiskubre ko ang iba't ibang bagay tungkol sa aking patotoy. Ngunit lumipas ang ilang panahon, hindi pa rin siya nagagamit into good use!

Tumigil ang pianong pinapatugtug ni Mr. C dahil binuhat at hinagis ni Madam Charo ang piano. Samantalang dumating si Mel Tiangco at sinugod si Madam Charo. Nagsabunutan sila at nagbuno sa sahig, dumugo ang mga nguso at namaga na ang mga mata. Patuloy pa rin sila sa pagrambol. Pipigilan ko na sana sila upang kausapin si Madam Charo at pakiusapan siyang ipasok ako sa showbiz, ngunit nagwater-effect ang paligid. Nasa harap na akong muli ng salamin at tumalsik ang pus dun. Pumutok na ang aking taghiyawat.