Sa mga job interviews, may mga questions na very common at palagiang itinatanong. Dapat yata ang ginagawa ng HR ay nire-record na lang nila ang kanilang mga tanong. At isa nga sa kadalasang tanong ay:
"What will you be 5 years from now?"
Ano na nga ba ako limang taon mula ngayon?!
Ang kulit ko, tinagalog ko lang yung tanong!
Five years from now...
Ay limang taon mula ngayon, at ang limang taon mula ngayon ay five years from now. Therefore, ang five years from now ay limang taon mula ngayon making it equal to a half decade from now.
By that time, 30 years old na ako. Regal shockers!!! Matanda na ako. Pero sabi nga sa cliché "life starts at 30" and "60 is the new 30" kaya naman batang-bata pa rin ako by that time. Saka wala naman sa edad ang youthfulness, nasa personality yan... at nasa hitsura.
Meron na akong Lambourghini at Porsche by that time at lumalangoy na ako sa karagatan ng salapi—yung paper bills hindi yung barya. Napakabilis ba ang 5 years para mangyari yun? Hindi ah, kasi by 28 years old na ako—3 years from now—mananalo kami ng lotto. At yung perang mapapanulanan ko ipangtatayo ko ng business. Tindahan ng mga babae at lalaking mapagpaparausan.
By that time, malamang ay di na rin ako virgin at may juwawhooper na rin ako. Aba kung USB pa rin ako sa ganung panahon, isa lang ang ibig sabihin nun. End of the world na, at ako ang magiging dahilan ng pagkagunaw ng Earth.
Kaya nga nagtayo na ako ng aking online store para after five years bigtime na ako! Though bigtime na rin ako ngayon.
Ayos sa segue, magpa-plugging lang pala ako.
Kayo? Ano kayo five years from now?