----------------------
Kung noon ay nabanggit ko kung bakit masarap maging lalake. Ngayon naman ipapalamon ko sa sikmura ng mga utak ng marami kung bakit napakahirap maging babae. Kung inaakala ng mgamale species ay madali maging babae, mag-hulus dili kayo, magpatiwakal at ipakain niyo na ang mga sarili niyo sa mga pating. Hindi easy ang pagiging babae.
- Mas masakit ang mga klase ng sapatos na isinusuot gaya ng mga stilletos at iba pang high-heeled shoes
- Laging dumadalaw ang "Red Monster" monthly, period!
- Hindi lang sa puson, sakit ng ulo din ang dulot ng "Red Monster".
- Dalawang piraso pa ang undies. Hindi kagaya sa aming lalaki na brip lang ok na at di na kailangan pang takpan ang mga utong.
- Mas kailangan ng maraming espasyo para sa wardrobe kumpara sa mga lalaki
- Hindi parating nakakatuwa kapag mayroong sumisipang maliit na bata sa mga lamanloob at bituka sa tiyan nila.
- Sobrang sakit ang pagluwal ng bata
- Matagal ang magpatuyo ng mahabang buhok.
- Masakit ang magtype sa typewriter or computer kapag mahaba ang kuko
- Hindi madali sa ego ng kababaihan na i-fake ang kanilang orgasm.
- Time consuming para sa kanila ang palagiang paglagay ng makeup para ma-enhance ang beauty nila.
- Hindi rin easy ang itago nila ang Visible Panty Line (VPL).
- Nabibingi rin sila sa kanilang mga sariling tili.
- Nahihirapan silang mag-weewee sa maduming toilet bowl.
- Hindi nadadaan sa pitik o taktak lang pag natapos gumamit ng toilet. Kailangan laging may feminine wash na kasama.
- Nahihirapan silang maka-getover sa kagwapuhan ni Billycoy Dacuycuy.
Ilan pa lang ang mga yan kaya mahirap ang maging babae. Kaya nga marapat-dapat lamang na respetuhin at galangin ng mga kalalakihan ang mga kababaihan. Kaya all hands down ako sa female species hindi dahil nalilibugan ako, kung hindi dahil kaya nilang tiisin ang mga ganyan katinding pagsubok sa kanilang buhay.
Ngayon, sabihin niyong madali ang maging babae. Ang sinumang lalake dyan na magsabing easy lang ang maging babae ay dadatnan ng regla makatapos ang isang buwan na sabihin nila iyon.
Ano pa ba ang ibang dahilan kung bakit mahirap maging babae?
mahirap talaga maging babae
ReplyDeletepero kung papipiliin ako
sa next life ko
gusto ko
babae pa rin ako
:)
keri lang.
ayos 'yung last reason sa bullets.. may tinamaan kaya? hehe :P
ReplyDelete*lady laugh sabay takip ng abaniko sa bibig* :D
Pare...paano mo nalaman lahat to? Chix ka ata e. Haha biro lang. Belated happy new year tsaka merry christmas! ^_^
ReplyDeleteung pinakahuli ang pinakanahalaga
ReplyDeleteharhar!
meron pa! ilang taon din nilang bubunuin ang pagiging ina! o di ba... habambuhay na work ito! :)
ReplyDeleteExcuse me, hindi gwapo si Billycoy Dacuycuy.
ReplyDeletePero kahit mahirap maging babae, marami pa rin ang gustong maging babae no?
Anyway.
Mahirap silang mag-mastur--- no? Saten kasi hindi masyadong messy. HAHAHAA.
WHatev.
thank God na kahit pano, may mga lalaki pa din tulad mo na naa-appreciate kaming mga babae!
ReplyDeleteyay! kanino mo tinanong tong mga post mo about sa babae? hehehe ,,,
ReplyDeletesa mga kalalakihan karamihan sa mga babae kapag may red alert ay sinisisi kayo at kadalasang sinasabi na "baket hindi na lang mga lalaki ang niregla"!!
Depende siguro sa perspective ng bawat tao. But when you ask most girls if they have a choice, majority would still want to be a girl.
ReplyDeletenext time bakit masarap maging lalaki at bakit masarap maging babae
ReplyDeletemeron nmn bang madali? n_n
ReplyDeletepero i admire girls na khit mabigat pa ang dinadala, they can still walk straight.
madami kasing lalake ngayon, wala nmng dalang mabigat, hukot na. tsk. tsk. scolioboys. n_n
pero bakit andaming bading? ano naman ang mga reasons nun? hehe
ReplyDeleteWow, allan! sikat na ang blog mo ha! regards kayla tenten at billybogz!
ReplyDeleteParehong mahirap magpakalalaki at magpakababae. Kung mahirap siguro pareho, mas mahirap malamang ang magpakabading o magpakatibo. Bwehehehehehe.
ReplyDeleteBasta, mas masaya ang magpaka-single. Nyaknyaknyaknyaknyak.