Friday, May 11, 2007

Why It Happened?

Ilang beses ko na rin bang nababanggit sa blog ko na VSB at USB ako. Kahit na ilang beses ko naman yatang inulit-ulit ang mga bagay na yun marami namang hindi naniniwala. Virginity na nga lang ang natitira sa aking pagkatao ipinagkakait pa. Since, hindi naman ako namimilit, hindi ko na ipipilit mamilipit sa sipit ang kilikiling inipit ang pipit — ano daw? In other words, I won't force anyone to believe me.

Kaya naman marami ding hindi naniniwala dahil hindi pa nila alam ang tunay na dahilan ng pagiging VSB at USB ko. Marami pa ring naku-curious sa aking pathetic na kalagayan. Kaya naman bibigyang linaw ko na ang inyong mga malabong mata at ibunyag na naman ang aking mga kahihiyan. Mababawasan at mabababoy na naman ang aking image at reputasyon — kung meron pang natitira — sa gagawin kong ito. Ipagbibigay alam ko na ang mga dahilan ng aking pagiging VSB at USB kung sakali mang may naniniwala pa.
  1. Suplado daw ako. Isang malaking misconception, dahil hindi naman pwedeng ngumiti at tumawa ng mag-isa baka ibalik na naman ako sa Makati Med Asylum. Alanganin namang ngumiti ako sa mga di ko rin kakilala masyado dahil hindi naman ako artista though artistahin talaga ako.
  2. Pabling o bolero daw ako. Isa na namang misconception. I'm blessed with uber-majestic mouthwatering oozing great looking face and undeniably titillating luscious sex appeal. Hindi ko naman kasalanan yun, blame it on the genes. Pero sa mga nagsasabi nito, grateful at extremely flattered ako dahil katunayan lamang yan ng mga sinasabi ko ngayon. Thanks sa mga ganitong reactions.
  3. Uhugin ako. Kung nag-uumapaw ang aking kagwapuhan, umaapaw din naman ang aking supply ng sipon sa ilong. All-year round yata akong sinisipon. Pagkatanda-tanda ko na uhugin pa rin, nakakahiya naman talaga yun. Advantage lang meron kaming pandikit at glue kapag nasa green level na ang aking sipon o kaya pang-sabaw sa kanin kapag palaging prito ang aming ulam.
  4. Banal at disente daw akong tao. Nang dahil nga sa first impressions, napagkakamalan akong good boy dahil na rin siguro sa mga pagkilos at postura ko. Hindi lang nila alam kung paano sila nauuto ng kanilang mga first impressions sa akin. Hindi po ako santo at wag kayong papaloko sa good boy image ko. Alam ko naman kasing tao ang gustong makapartner ng mga babae hindi santo o diyos.
  5. Intimidated sila sa akin. Magsama-sama ba naman ang kagwapuhan, sex appeal, postura, kahalayan at kung anu-ano pa sa akin, malamang na mahiya sila akong makasama. Huwag silang mag-alala, hindi naman ako nangangain ng tao, nanglalapa lang. Kahit di naman ako tao, very approachable at accomodating po akong nilalang, lalo na dun sa mga manlilibre sa akin.
  6. Mataas ang aking standards. Lagi ko kasing hinahanap yung ideal girl ko sa isang babae kaya talagang hirap akong makakuha ng juwawhooper/s. Though hindi naman lahat ng requirements ko sa aking ideal girl ay kailangan, nahihirapan lang talaga akong mangilatis sa mga nagiging prospect ko. Kaya nga hangga't maaari, sila na lang mag-apply sa akin.
  7. At ang higit sa lahat... Torpe ako.
Siguro naman malinaw na kung bakit VSB at USB pa rin ako hanggang ngayon. Kung hindi pa rin reliable at questionable pa rin ang mga yan, wala na akong magagawa. Hindi naman kailangang ako'y paniwalaan, kasi kahit ako di na rin naniniwala sa sarili ko. Duda na nga rin ako kung virgin pa nga ba talaga ako.

Ang hirap talagang maging gwapo, maraming di naniniwala.

Ano? Nilipad ba kayo ng utut... este hangin ko o nalunod na ng uhog ko?

37 comments:

  1. Anonymous9:35 AM

    super uhugin ni billycoy. araw-araw ata may sipon yan.. sa ilong. hehe :))

    torpe ka pala - kasi sa totoong buhay, yung alagad mo: MAKAPAL ANG MUKHA eh. :)) yung tipong "ba't kayo mahihiya eh wala naman kayong ginagawang masama."

    ahihi


    napadaan.


    "Ang hirap talagang maging gwapo, maraming di naniniwala..."

    APIR! *As if gwapo. Haha!*

    ReplyDelete
  2. anlakas ng bagyo.....

    ReplyDelete
  3. Di pa rin ako naniniwala. Hehe. :p

    Banal at disente daw akong tao. <- akala ko sasabihin mo isa na naman yang malaki at teribleng misconception! Nyahahaha!

    Pero oo nga, akala ko suplado ka. Mali, oo, suplado ka talaga. Pffft. Behlat :p

    ReplyDelete
  4. Anonymous11:52 AM

    Anong kakahiyan?

    Ayyeee. Gwapo daw. Ahaha. Torpe ka nga bang talaga?! Dapat, palaging "Let's get it on!".

    ReplyDelete
  5. haha, sana nga mkhanap kn ng juwawhooper/s.

    eniwei, pa link naman po.
    t.y.

    ReplyDelete
  6. cute post:-) you made me smile with this...

    ReplyDelete
  7. Anonymous1:33 PM

    hay

    ano ba ito disadvantages mo bah?

    papuri

    papuri

    papuri...

    bat puro papuri ang nakasulat?

    nililito mo ako!

    okay lang yang maging uhugin! kulang ka lang sa prutas!
    kumain ka kc ng orange! or kaya ceecon ung pambata! haha!

    papuri talaga lahat! aus ka lang! haha!

    ReplyDelete
  8. utakgago > iba naman ang mahiyain sa torpe... siguro magiging pareho lang sila kapag parehong uhugin

    utoy > malakas ba? ambon pa lang yan actually

    shari > pero naniniwala ka namang gwapo ako di ba? Please!!!

    yna > nabago ko na po... di naman pwedeng laging let's get it on, masyadong malaswa lalo kung nasa public places kasi

    myshe minx > salamat... ipagdasal mo rin ako sa mga santo

    talksmart > hindi lang cute, gwapung-gwapo pa

    vex > kakainin ba yung oranges? akala ko kasi ipapasak lang sa ilong.

    ReplyDelete
  9. Anonymous3:22 PM

    yamyrdua>
    Grabe ah, naaliw ako dun... great joker k pla!!!Bwahaha....!!!

    im wondering 2loy if wat's ur physical appearance...post k nman ng sinasbi mong "yummy & blessed with uber-majestic mouthwatering oozing great looking face and undeniably titillating luscious sex appeal." jan!!! (22o nga kaya!?)

    TORPEDO k pla...pnagsamang lakas ng TYPHOON at TORPE....

    ReplyDelete
  10. Anonymous4:40 PM

    Tingi ko yung torpe lang ang totoo. hahaha kung torpe ka, subukan mong ilabas yung alternate personaity mo na nandito sa blog. Kaso wag masyado, bka maoffend yung babae. hehehe

    ReplyDelete
  11. yamyrdua > di ako joker! di ako archenemy ni batman at di rin ako kumakandidato sa senado.

    bonaks > kahit anong part ng aking pagkatao ko ang ipakita ko maooffend sila. kaya nga i stay behind the limelight na lang.

    ReplyDelete
  12. Anonymous4:52 PM

    if you are "torpe", try drinking a little booze from time to time. it might work. either lumakas ang loob mo or you'll turn into an alcoholic.whatever happens, at least you got something from it. but i'm quite certain that the latter will more likely to happen.hehe...go booze!

    ReplyDelete
  13. speed dater > palagay ko nga lasinggero lang ang mangyayari sa akin lalo kung wala rin naman akong prospect at iinom lang ako parati.

    ReplyDelete
  14. Naks naman punong puno ng papuri yohoo!

    Swerte kaya ang sadistang gf mo sayo?hehehe sana magkaroon ka na ng gf para mawala uhog mo lol

    ReplyDelete
  15. micaela > oo nga puro papuri, nasuhulan ko kasi ang mga yan

    ReplyDelete
  16. naks ah. ;)

    hayaan mo tito, i believe you. :D

    ReplyDelete
  17. Anonymous7:03 PM

    di pa din ako kumbinsido

    nyahahah

    ReplyDelete
  18. nakow! torpe? hehe

    ReplyDelete
  19. pasyensya na po.. pero ano pong ibig niyong sabihin na VSB at USB ka po?

    ReplyDelete
  20. Anonymous10:04 PM

    ngayon, medyo malinaw na ang image mo sa akin. yung tipong disenteng tao na uhugin? haha. peace.
    -hirap talaga maging gwapo. libre lang mangarap! (as if wafu. haha)

    ReplyDelete
  21. karlee > mga bata talaga madaling mauto, nyaherr

    fire eye'd boy > pag di ka maniwala papareyp kita kay madam auring

    rachel > oo torpe ako... paano ba manligaw?

    deejay > oo ganun nga ako, disenteng uhugin. ang ayos kong manamit pero mamaya tumutulo na sipon ko, buti na lang mahaba dila ko kaya simut-sarap... uy di ako nangangarap na maging gwapo, natural na sa akin yun

    ReplyDelete
  22. Anonymous12:02 AM

    ahahaha! uhugin... dapat sayo laging may bulak sa ilong... :D di naman kapanipaniwalang torpe ka... eh ang lakas ng hangin mo! talo super typhoon...

    (sandali... *kumakapit* nililipad ako...)

    bwahahahhaha! :P

    (nang-aasar!)

    ReplyDelete
  23. Anonymous2:39 AM

    di ako naniniwala! muahaha!!!
    uhugin ka?! yuckkk!!!
    pabling, bolero? hmmm. gusto kita kilatisin...
    suplado, yung alagad mo, mukhang makapal ang muks ...
    banal at disente ka?! nak ng! muahaha!
    intimidating ka pala! etchos lahat ng yan! if i know...

    ReplyDelete
  24. Anonymous12:27 PM

    nagiba na itong pinapasukan kong opisina sa tindi ng lakas ng hangin habang binabasa ko ito! one word: graaabbbeeeehhhh....

    ReplyDelete
  25. Anonymous1:53 PM

    yung huling reason ang pinakavalid.

    need i say more?

    ReplyDelete
  26. Anonymous3:54 PM

    yamyrdua>
    naku....bakit nawala yta s usapan ung posting of ur" yummy & blessed with uber-majestic mouthwatering oozing great looking face and undeniably titillating luscious sex appeal" jan!!! (22o nga kaya!?)

    ....Hmp!!!!

    ReplyDelete
  27. tara > USB is Unloved Since Birth VSB is Virgin Since Birth

    andianka > torpe nga ako sobra, kahit na ubergwapo ako

    mats > kikilatisin mo ako? alagad ko lang ang makapal ang mukha, pero iba naman ako sa kanya

    yatot > one word... KAPIT!

    sephtthedreamer > buti ka pa naniwala

    yamyrdua > di nga pwede, baka sabihing masyadong mahalay ako.

    ReplyDelete
  28. Anonymous5:07 PM

    nyahahaha! natawa ako d2 ah!
    pro no po b ibig sbhn ng USB at VSB???

    ReplyDelete
  29. Anonymous6:55 PM

    ehehe, siguro nasobrahan ka lang sa tangos kaya kung anu-ano lumalabas diyan! ahihihi

    mahiyain my foot!

    ReplyDelete
  30. Anonymous7:16 PM

    Oist, ako rin uhugin. Hehe. Hindi ko alam kung bakit. Basta madalas ako may sipon. Maya-maya lang may tutulo na pero minsan naman wala. Hehe. Baka yun din ang dahilan kung bakit virgin pa ako. Salamat at naliwanagan na ako. Hehe

    ReplyDelete
  31. Yuuuuck! Uhugin! Yuuuuuck! Torpe! Yuuuuck!

    [Halata bang walang masabi?]

    ReplyDelete
  32. eloiski > tsek mo reply ko kay tara

    heneroso > inggit ka lang! nyaherr. gusto mo sipon?

    darwin > kaya kung gusto mong madeviriginize, kailangang mawala na ang sipon mo ora mismo

    jhed > may nasabi ka naman... yuuuck nga lang

    ReplyDelete
  33. FYI! Isa lang tama dyan!!! Uhugin Ka!!! HAHA Yun yon eh!!!

    ReplyDelete
  34. L.A. > waaah! bakit yun lang? lahat yun totoo! swear, inumin mo man uhog ko.

    ReplyDelete
  35. marami-rami naman tayong uhugin este vsb...hehe...

    ReplyDelete
  36. Anonymous4:33 PM

    sa tingin ko lahat yan tama...hehe

    ReplyDelete
  37. ninong > bakit? uhugin ka rin?

    niknok > weee, buti ka pa naniniwala

    ReplyDelete