Heto na. http://www.billycoy.com
Wednesday, April 09, 2008
Looking for Me
Posted by Billycoy at 4/09/2008 06:13:00 PM 8 comments
Tuesday, April 01, 2008
Surprise!!!
Matagal niyo na ba akong hinahanap? Well, wait lang kasi may niluluto kasi akong bagong macaroni. Napansin ko kasing matagal na palang nakahain ang macaroning yan sa header ko. Eh baka panay kayo ang lamon dyan, di ko alam na-fu-food poisoning ko na pala kayo. Don't worry, utak niyo lang ang nilalason ko.
Hintayin niyo lang, may surprise akong inihain para sa inyo. Kapag napakuluan ko na ang aking bagong macaroni, ready to eat na kagad.
Wait lang mga repakuls!
Posted by Billycoy at 4/01/2008 09:47:00 AM 12 comments
Thursday, March 13, 2008
High-society Stench
Muli na namang nagsulat ng liham sa akin ang aking best friend na si Em-em, Metro Man. As usual sa mga sulat niya, puro reklamo ulit. Pero this time nagulantang ako sa sulat niya, kasi ang laking pasabog talaga.
My best friend Billycoy,
Hay naku! I'm so pissed na talaga here sa JLA. Heto kasing high-members of JLA borrowed something from me and they are not giving it back ba naman?! They are sooo kainis!
I call them the Speedo Gang, kasi they like wearing those tight hapit spandex. I know they also secretly love calling them Speedo Gang. As if naman Speedo talaga brands ng tights nila. Like they are so kuripot kaya. Though they can buy Speedo, they made pagawa na lang their spandex imitation sa cheap tailor shops.
And dahil I'm so asar with that gang, I'm gonna tell you their baho. The baho that's so sangsang that makes me puke all the time. I don't care if you make this kalat, 'coz that will feel better and maybe they can return my 'something'.
First, hetong si Superman. He's actually the one borrowed from me. Everytime I'm getting it back, he makes tago at the speed of light. So kainis di ba? Eh if you just know my best friend, hirap kaya ako to approach him. Eh he has soooper bad breath din kaya! It's umaalingasaw sa buong galaxy. He loves eating sibuyas, garlic and spicy dishes a lot. Actually, isa siya sa main reason why most people here in JLA are wearing masks. So that they won't die inhaling his sooper bad breath.
Then itong si Wonder Woman na ka-wonder-wonder din ang kalandian. I can't take her B.O. kaya. And one more thing, her underarm hair is sooo nakakasuka kaya. It is so lago and kapal, elephant, giraffes and chimpanzees can make laro nga and live there like in the jungle. And if garapatas and kutos goes in there, no chance they are going out there alive kasi they will be ligaw there forever. If I'm going to look further nga, I will see skeletons and fossils ng dead garapatas sa kanyang kili-kili jungle. Kaya din siya tinawag na Wonder Woman, kasi everybody's wondering why she wears a tube eh she knows she has a thick underarm hair. Big eww talaga!!!
Batman? he shouldn't take his suit off. Coz my gulay! Grabe, I think he can die with his own smell din. Imagine wearing a rubber overall from head to heels. Kaya he's making buro of himself with his own pawis in there. He stinks worse than burong labanos! Eww. Then he makes payabang pa to me that Louis Vuitton made him a batsuit. Eww kaya. Brown and with LV pattern batsuit?! And authentic leather pa, kaya when he wears it, he smells like alipunga.
I can't take Aquaman as well. He is sooo mabaho din kaya. I smell something fishy from him. He smells like a palengke ng isda. Sometime he stinks like Manila Bay and seafoods as well. You know? Like those nabubulok na fishes and seafoods. He doesn't take a bath din kaya kasi daw, he works underwater naman daw. Eww kaya yun. No bath and amoy isda pa. I can't take it anymore.
One more secret about Speedo Gang. They are doing coke. Not the drug cocaine but the coke, Coca-Cola. As in their 'doing' the coke, they are fucking the coke bottle. Eww. Kaya nga people here are always making reklamo why there are always coke bottles in the CR. One time nga, sa CR, since it's a unisex CR, I heard Wonder Woman moaning in the cubicle. Eh orgasmic ang moan niya, I was sobrang shocked. I think she was also surprised na may pumasok sa CR, kaya siguro she made bitaw the coke bottle so it make basag at the bathroom floor. Then she went out, she greeted me as if nothing happened. Kaya I warn you, don't even lay a hand on coke bottles inside the CR.
Sana kasi they soli that thing they borrowed from me so I can shut up and be silent na rin. Para na rin we can achieve world peace na rin.
O siya til next time na lang ulit my best friend. I think I'm gonna throw-up muna. I suka kasi whenever I imagine their kabahuan kasi eh.
Your best friend,
MM
Hindi ko rin kakayanin sigurong makasama ang mga kasamahan ni Em-em. Regaluhan ko na nga lang siya ng gas mask!
Posted by Billycoy at 3/13/2008 11:17:00 AM 14 comments
Wednesday, March 05, 2008
Hindi na kita kailangan, Umalis ka na!
Bakit ba ang kulit mo? Ilang beses ka ng pabalik-balik alam mo namang hindi na kita kailangan pa. I don't need you in my life! Good riddance! Lumayo ka na sa buhay ko, parang awa mo na. Hindi ka ba nahahabag sa akin, maawa ka naman sana. Pinapahirapan mo ako. Hindi na ako natutuwa pang makita kita dito. So please, just go!
Pagod na pagod na ako sa pagpapaalis sa iyo. Pero kahit anong paraan ang gawin ko para mawala ka sa paningin ko, pilit ka pa ring bumabalik. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mong yan? Isinusuka na kita at isa lang pinapangarap ko, ang mawala ka sa buhay ko. Hindi na kasi cute itong pinaggagawa mo. Nakakaasar na. Nakakainis na. Bina-badtrip mo na ako. Akala mo ba nakakatuwa pa ba ito? Hindi na. So please, get the hell out of my life.
Please, tama na! Hindi ko na kaya ito. Kung alam mo lang kung anong hirap para sa aking ang makita ka at tumambad sa aking paningin. Huwag mo naman na akong pagurin, you're just adding the stresses of my life. Ibinuhos ko na ang lahat ng makakaya ko para lang mawala ka, pero nandyan ka pa rin. Pasensya na, pero frankly, hindi ko kayang maatim na makita ka talaga. I am not happy to see you. Sa hitsura mo pa lang ay nandidiri na ako sa iyo. Kung magagawa ko lang sumuka sa harapan mo ay ginawa ko na. Ngunit kailangan kong tiisin ang pagkarimarim ko, kailangan kong pigilan yun. Maawa ka naman na sa akin.
Ano ba kasing problema at pilit ka pa ring bumabalik? Hindi naman na kita kailangan. Umalis ka na lang kasi para madali na lang ang lahat. Pakiusap, huwag ka ng mangulit sa akin.
Bakit ba kasi barado na naman itong inidoro?! Hayan, bumabalik ka na namang tae ko. Aba! Pagod na ako sa kakabuhos ng tubig sa iyo, pero andyan ka pa rin. Tapos syet! Tubol ka pa! Kadiri naman oh! Nasan ba kasi ang pangbomba?!
Posted by Billycoy at 3/05/2008 11:12:00 AM 6 comments
Friday, February 29, 2008
Five Years from Now
Sa mga job interviews, may mga questions na very common at palagiang itinatanong. Dapat yata ang ginagawa ng HR ay nire-record na lang nila ang kanilang mga tanong. At isa nga sa kadalasang tanong ay:
"What will you be 5 years from now?"
Ano na nga ba ako limang taon mula ngayon?!
Ang kulit ko, tinagalog ko lang yung tanong!
Five years from now...
Ay limang taon mula ngayon, at ang limang taon mula ngayon ay five years from now. Therefore, ang five years from now ay limang taon mula ngayon making it equal to a half decade from now.
By that time, 30 years old na ako. Regal shockers!!! Matanda na ako. Pero sabi nga sa cliché "life starts at 30" and "60 is the new 30" kaya naman batang-bata pa rin ako by that time. Saka wala naman sa edad ang youthfulness, nasa personality yan... at nasa hitsura.
Meron na akong Lambourghini at Porsche by that time at lumalangoy na ako sa karagatan ng salapi—yung paper bills hindi yung barya. Napakabilis ba ang 5 years para mangyari yun? Hindi ah, kasi by 28 years old na ako—3 years from now—mananalo kami ng lotto. At yung perang mapapanulanan ko ipangtatayo ko ng business. Tindahan ng mga babae at lalaking mapagpaparausan.
By that time, malamang ay di na rin ako virgin at may juwawhooper na rin ako. Aba kung USB pa rin ako sa ganung panahon, isa lang ang ibig sabihin nun. End of the world na, at ako ang magiging dahilan ng pagkagunaw ng Earth.
Kaya nga nagtayo na ako ng aking online store para after five years bigtime na ako! Though bigtime na rin ako ngayon.
Ayos sa segue, magpa-plugging lang pala ako.
Kayo? Ano kayo five years from now?
Posted by Billycoy at 2/29/2008 03:57:00 PM 10 comments
Wednesday, February 20, 2008
Memory Gap
Bawal ang pork, bawal ang beans...
Iyan ang isang memorable line sa isang TV ad regarding sa memory gap na nararanasan ng mga matatanda. Ako nga rin yata tumatanda na at nagiging makakalimutin na ako. Hindi ko na nga maalala kung sino ako. Teka, sino nga ba ako? Asan ako? Bakit ako nandito?
Hindi ko nga alam kung ano nangyari sa akin kanina, kung nagiging makalimutin na ako o sadyang tanga lang. Kanina kasi, pagkatapos kong kumain ng aking brunch na butter toast, nakaranas ng El Niño ang lalamunan ko. Nakiusap tuloy ang throat ko, kailangan daw siyang madiligan ng C2. Pesteng lalamunan, sa pagka-arte-arte bakit kailangang C2 pa. Pwede namang tubig sa inodoro o kaya tubig sa estero na lang.
Hayun, napilitan akong lumabas at bumili sa store ng C2. At dahil walang ibang tao sa office sa mga oras na iyon at ako ang kiki*, ini-lock ko na ang pinto ng office at ikinulong ang mga ipis na nagpopopoyan doon. Pagkatapos, nu'ng nakabili na ako ng C2, pagbalik ko ng office. REGAL SHOCKERS!!! Naiwanan ko pala ang susi sa loob. My Gulay talaga! Buti na lang in a few minutes dumating na boss ko at nabuksan na rin ang office. Isa lang tawag sa nangyari sa akin, KATANGAHAN. Nakakatanga pala talaga ang pagkain ng Butter Toast. Kaya eat butter toast with warning.
Pero para sa mga bata pa lang at may sakit na ng kalimot, may paraan pa naman para kahit papaano ay ma-minimize ang pagiging makakalimutin.
Get fishy. Hindi kayo magpapatubo ng buntot ng isda sa katawan o maging kasing amoy ng malansang isda kundi kumain ng isdang mayaman sa DHA, isang omega-3 essential fatty acid. Kumain ng mga isdang gaya ng tuna, mackerel, at tilapia dahil mayaman nga sila sa DHA. Ang DHA din ang nakaka-reduce ng risk ng Alzheimer's Disease. Pero kung nasobrahan sa pagkain ng isda at unti-unti ng nagkakakaliskis sa paa. Congratulations! Kayo na ang papalit kay Marian Rivera bilang Dyesebel or kay Malou de Guzman bilang Dugong.
Mental exercises. Bukod sa paghampas ng ulo sa lamesa at pader, pwede ring maglaro ng mga brain puzzles gaya ng crossword puzzle, sudoku or pairing game sa baraha. Kung talagang dakilang gunggong, pumunta sa pinakamalapit na service center at manghingi ng replacement sa utak. Kung hindi na kaya ng warranty, mabuti pang i-dispose na ito kasama ng katawan.
Avoid me. Mapa-lalaki, babae, bakla, tomboy, bata, matanda, may ngipin o wala, nararapat lang na iwasan akong makita in person. Isang sulyap lang sa akin, hindi lang pangalan ang makakalimutan, pati ang nakaraan. Daig pa sa amnesia ang dulot ng isang tingin sa akin.
Pero tandaan, malaki ang pagkakaiba ng pagiging makakalimutin at katangahan... iba pa rin ang mukhang tanga. Kung sakaling nagsama-sama ang mga ganyang katangian sa isang tao, hindi na dapat sila binubuhay pa ng matagal. Tama ba?
*kiki - keykeeper
Posted by Billycoy at 2/20/2008 01:47:00 PM 6 comments