Monday, September 10, 2007

What Makes People Happy?

Nangingiti o najejebs?

Sinong tao ba ang ayaw sumaya? Halos lahat naman yata ng nilalang na nakakapag-isip ay kaligayahan lang ang goal sa buhay—bukod sa ligayang natatamo sa kama. Kung anu-ano na ngang mga kalokohan natin sa buhay para lang maranasan ang isang masayang buhay. Pero anu-ano nga ba ang nakakapagpasaya sa mga tao?
  • Mga kaibigang laging nandyan para pag-usapan ang mga walang kakwenta-kwentang mga nangyayari sa mundo at buhay ng may buhay.
  • Makapagtapos ng college at maging kasapi sa mga unemployed.
  • Ang mga taong nakakainis dahil merong taong pwedeng laitin at pag-usapan.
  • Ang mga pagkaing bawal na patuloy pa rin naman nating kinakain kahit na maraming masamang epekto ito sa ating katawan.
  • Mga inumang walang humpay yung tipong isusumpa mo na ang alak paggising dahil sa tindi ng hangover pero kapag lumipas naman na ay hayan inom na ulit.
  • Manalo ng jackpot prize sa lotto at ilibre ang buong baranggay hanggang sa maubos ulit ang napanalunan.
  • Makapagpa-picture sa sobrang sikat na celebrity, minsan kahit sa mga standees na kagaya ng kay Piyulu Pascual sa Max's Restaurant or sa Jollibee mascot statue.
  • Lumabas sa mga news program ang mukha kapag nakiki-usisa sa mga reporter kapag nasa location ang nire-report niya.
  • Matanggal sa puwesto ang mga nangungurakot at mga nangungulangot lang.
  • Mapalaganap ang World Peace na nais ng mga beauty contestants.
  • Sumayaw sa saliw ng awiting "Umbrella"
  • Maranasan ang first kiss sa juwawhoopers or sa taong crush na crush.
  • Makasama sa kama si Maria Ozawa (kung lalaki o tibo) o Brad Pitt (kung babae o badingger z) sa kama.
  • Makapanood ng porn movie sa IMAX 3D. Imagine everything big.
  • Magkaroon ng orgasm—lalo na kung multiple.
  • Hindi na makita ang pagmumukha nila Cristy Fermin, Jobert Sucaldito, Madam Auring at Sam Melbi sa TV at dyaryo maging ang marinig ang boses nila sa radyo.
  • Magbasa at gawin ang mga sinasabi sa mga walang kakwenta-kwentang sulatin kagaya ng blog na ito.
  • Magkaroon na ng girlfriend at ma-devirginize na si Billycoy Dacuycuy.
Marami pang bagay ang pwedeng makapagpasaya sa atin. Kahit mga simpleng bagay o pagkakulang-kulang natin ay pwede ng pagtawanan. Pero kung napupunang humahagalpak na sa sahig at niluluwa na ang mga bituka, liver, gizzard at lamanloob sa tindi ng pagtawa kahit na mag-isa, malamang napapanahon na para kumunsulta na sa pinakamalapit na doctor. Kung malala na talaga, dalhin na lang sa mekaniko baka kailangan na ng tune-up ang utak.

Ano ba ang nakakapagpasaya sa inyo bukod sa popoy at pera?

19 comments:

  1. Anonymous2:35 PM

    hindi ka naman masyadong demanding ha? wahehehe.. ;)

    ReplyDelete
  2. Masaya kung ipapatupad nila sa lahat ng tindahan ang ginagawa ng Krispy Kreme na mamimigay ng isang libreng donut sa bawat pagpila mo sa counter kahit hindi ka naman talaga bibili.

    ReplyDelete
  3. hala! LSS ko yung Umbrella! napapasaya talaga ako ng kantang yun! hahaha!

    Masaya rin ako pag nakakakain ako ng fries ng mcdo. Pag napapaligiran ako ng mga mahal ko sa buhay (syet! ang drama! hahaha!) at pag bumibisita ako sa blog mo.. (sipsip?! bwahahaha!)

    ReplyDelete
  4. under my umbrella-ella-ella-eh-eh-eh...

    ReplyDelete
  5. Maranasan ang first kiss sa juwawhoopers or sa taong crush na crush.

    masaya na ako dun

    wakekeke

    ReplyDelete
  6. Anonymous9:38 PM

    masaya na kong naiwasan kong masyadong madamay sa kasiraan ng ulo mo sa personal. nyahahaha!

    (reminiscing your alagad dancing habang nakaupo... as in... ewww... LOLssss!)

    ReplyDelete
  7. Anonymous10:53 PM

    pag ako naka devirginize sayo ayos na!! masayang masaya ako don..

    ReplyDelete
  8. the last one was the BEST. hahaha. Thanks for visiting my site often :-)

    ReplyDelete
  9. at tlagang gizzard ang term na ginamit ah... hahhahaha... pwede namang balunbalunan e...

    mas masayang makita si billycoy na nagpo-pole dancing sa ilalim ng umbrella ng taste asia sa may sm hypermart sa mall of asia! hahahhaha

    ReplyDelete
  10. Anonymous8:56 AM

    Dumaan!! at nakibasa!! salamat sa pagdalaw

    ReplyDelete
  11. Ang mayakap at maka-french kiss si Ultimate crush. Iyon, pwede na akong mamatay sa kaligayahan. As in mamatay...he he he.

    Masaya rin mangulangot...

    ReplyDelete
  12. Anonymous12:40 PM

    Masaya ako kung magkakaroon nako ng MacBook, sariling iPod at isang camera [yung pang-photographer ha.]. Marami pang damit. O kaya maraming moolah para lahat-lahat na. Mwahaha!

    ReplyDelete
  13. jojitah > di naman, slight pa lang

    tannix > kagat nga lang masaya na ako at pwede na akong pumatay sa kaligayahan

    andianka > buti nga nakaupo pa ang alagad ko eh paano kung tumayo pa yun eh di na-eskandalo ka lalo

    kingdaddyrich > yikes! magtatago na ako!

    yatot > exclusive lang ang ganung eksena sa taste asia... pasaway talaga ang alipin ko

    ishmael fisher ahab > lalo na kung kakainin yung kulangot, napakasaya nun!

    ReplyDelete
  14. Mataas ang tolerance ko sa pop songs, pero yang Umbrella talaga na yan ang di ko masikmura. Virgin ka pa? Di nga??

    ReplyDelete
  15. Anonymous9:38 PM

    bwa hahaha - kakatuwa ka talaga.
    virgin ka???

    ReplyDelete
  16. Anonymous12:45 AM

    Rakenrol ang mga halimbawa mo, p're.

    Share ko na lang kung ano ang makakapagpasaya sa'kin:

    1) Money
    2) Sex
    3) More Money and Sex.

    Nyehehehe.

    ReplyDelete
  17. Anonymous12:55 AM

    ahahaha!! nasa playlist ko yung umbrella-ela-ela-eh-eh-eh. share ko lang. :D

    masaya na ako kapag nakakatulog ako ng maayos, tipong 14 hours a day. average of 3 hours na lang kasi ang tulog ko lately. aun. masaya din ako kapag nagti-trip kaming magkakaibigan, yung tipong di planado pero game lahat. saya talaga. :D

    salamat sa pagdaan sa page ko. :D

    ReplyDelete
  18. Anonymous7:05 AM

    Okay na ang popoy. Si Brad Pitt passe na. Zac Efron na ngayon. So popoy or popoy with Zac efron pwede na.

    ReplyDelete
  19. p0ytee > as expected, hindi ka rin naniniwala

    prinsipe dilan > yap

    tere > para kang artista, luxury na ang pagtulog

    aj of baklaako.com > so far, si brad pitt pa rin kasi ang standard of 'male beauty'... sa susunod ako na ang magiging standard.

    ReplyDelete