Friday, August 17, 2007

Mouthwatering


Yummy di ba?

Isa sa mga kinaiinisan ko kapag naglalakad sa kalsada ay yung mga taong dura ng dura. Dura dito, dura doon. Kulang na lang ay pumunta sila sa ulap at gumawa ng ulan ng laway sa buong bansa. Bakit ba kasi hindi nila mapigilan ang pagdudura? Siguro mabaho at nalalason sila sa sariling laway.

Hindi naman nakamamatay ang paglunok sa sariling laway kaya bakit ba dura pa rin ng dura. Ang laway pa nga ang tumutulong sa pag-digest ng ating mga kinakain. Nakakatulong nga rin itong protektahan ang ating bunganga sa mga bacteria. Mabuti sana kung may plemang malapot at green na green pa ang ilalabas—nila pero sa tamang lugar naman. Hetong mga 'spitters' na ito, they better go back to kinder and study physiology.

Dapat nga nagse-save pa sila ng mga laway nila dahil makakatulong din ito sa kanila in the future.
  • Panglaban ito sa dry spell or drought. Ipunin lang ang laway at pwede na itong gamiting inumin o kaya pangligo sa katawan.
  • Kapag nalaos na ang e-mail. Siyempre balik snailmail kapag nangyari at ano ba ang pandikit sa mga selyo at panglakip ng mga envelopes, syempre laway.
  • Sa mga kaaway. Kapag may sinabing masama o nakakapahamak ang kalaban, duraan lang sa mukha, effective na pang-insulto. Take it from the movies and TV series.
  • For hairstyling. Spit an ample amount on palm, spread on hair and style as desired.
  • For shoe polishing. Spit on leather shoe, spread and wipe to shine. Kahit anong kulay pa ng sapatos pwede, unless kulay black or brown ang saliva.
  • Pamatay sa sigarilyo. Duraan lang ang sigarilyo kapag tapos ng gamitin para mamatay na ang baga at usok.
  • Tulong sa bumbero. Kung walang tubig sa lugar, duraan na lang ang nasusunog na establisimiyento, tulong-tulong na lang sa pagdura para maapula kaagad ang apoy.
  • During steamy nights. Kapag walang available na lubricants mainam na alternative ang laway.
Kaya naman huwag ng dumura sa paligid, unethical na kadiri pa lalo't kung may tao pang maduduraan. Sige, baka kayo ang maduraan dyan at ang masama pa dun ay yung may kasama pang plema!

28 comments:

  1. Anonymous11:57 AM

    hindi naman kadiri..eww! hahaha

    ReplyDelete
  2. Sorry to tell you my friend but it turns out I'm one of them.

    ReplyDelete
  3. kairita rin yang mga yan.. unethical talaga

    ReplyDelete
  4. Tama bang gawing excuse ang dry spell? Namaaan!

    Hahaha! Kulit!

    ReplyDelete
  5. walang tatalo sa laway bilang lubricant! hahaha!

    ReplyDelete
  6. Anonymous6:38 PM

    kakainis nga talaga ang mga taong dura ng drua, gusto ko tuloy tahiin ang mga bunganga nila...
    tama si mike, walang tatalo sa laway para gawing lubricant... ang maganda pa nito libre, hindi na kailangan bumili ng lube...lol

    ReplyDelete
  7. Anonymous6:38 PM

    kakainis nga talaga ang mga taong dura ng drua, gusto ko tuloy tahiin ang mga bunganga nila...
    tama si mike, walang tatalo sa laway para gawing lubricant... ang maganda pa nito libre, hindi na kailangan bumili ng lube...lol

    ReplyDelete
  8. haha kadiri tlga ,ga dura ng dura...

    minsan may nakasalubong akong seksing babae, nainsecure pa nga ako kse ang ganda nya at ang tangkad pa...tapos biglang dumura sa kalsada parang kargador lang...eeww!

    ReplyDelete
  9. Anonymous7:51 PM

    Bakit hindi mo sinita 'yung mga sumisinga ng sipon at mga nangungulangot sa daan? Kadiri din 'yun.

    ReplyDelete
  10. Anonymous7:58 PM

    Akalain mo, marami palang silbi ang laway!

    ReplyDelete
  11. laway?

    ang isang magandang gamit niyan ay alarm clock/pang-gising sa umaga.

    yan kasi ang ikinagigising ko kapag basang basa na ng laway ang unan ko...

    ReplyDelete
  12. Anonymous10:45 PM

    Na-trauma ako sa laway. Isang beses kasi, nadurahan kasi ako sa buhok. Yuckity yuck yuck. Bwisit kasi, dura ng dura kung saan-saan. Nakatikim siya ng suntok galing sa Impiyerno and buti naman ay di siya pumalag. Di ko kailangan ng patawad, ganti lang.

    ReplyDelete
  13. Anonymous11:06 PM

    Ambaboy nga ng mga ganyang tao, dura ng dura kung san-san.

    Lalo na yung matatanda na iba, parang naninimot pa ng plema.

    ReplyDelete
  14. Anonymous11:34 PM

    LOL. Naku! Asar talaga 'yung mga taong ganyan, lalo na kung muntik ka pang tamaan. Dati habang bumababa ako sa hagdanan ng isang mall at napahawak sa gilid, nagimbal ako ng makita ko na may laway 'yung kamay 'ko! Ang saya!

    ReplyDelete
  15. Anonymous1:29 AM

    dinurang laway sucks, lalo na kapag plema. eew talaga. walang breeding (wow, aso?!?!).

    yun lang.

    ReplyDelete
  16. yeah, spitters should do in proper place naman. but i like your ideas how to productively use it. napakagaling na alternative. haha. pinakaastig ung gagawing lubricant, haha

    ReplyDelete
  17. laway as lube = the best. kaya naman yata talaga sya andyan. isipin mo nalang kung wala, lahat magiging dependent sa artificial lubes lol.

    mas nakakadiri ung mga dura ng dura tapos aapakan pa ung dura nila ng parang walang bukas habang ngingiti ngiti sa paligid. shet talaga, nakakainis. hehe.

    ReplyDelete
  18. may new link na pala ako.

    http://phonologist.wordpress.com.

    buhay pa rin naman ung sa blogspot, pero mas magiging active na ung sa WP. :D

    ReplyDelete
  19. pwedeng lube ha?! hahahhaa... kakapanood mo iyan siguro ng porn no! hehehhe (^_^) V

    ReplyDelete
  20. Anonymous12:15 PM

    pwede din siyang palaman sa pandesal pag medyo kinapos sa budget. :D

    ReplyDelete
  21. dapat ipagbawal yung pagdura kung saan saan.. or maglagay ng public spitting spots.. or kung hindi naman talaga kayang pigilan na madura eh himukin na lan gna dumura sa lupa then tabunan ng lupa yung spit kesa naman sa kalye di ba?

    ReplyDelete
  22. Pamatay sa sigarilyo.

    - EWWWW! My cousin fucking does that! Its really disgusting!

    Tulong sa bumbero.

    - Hahahaha! This is hilarious because my little cousin did it once before! Actually, hindi umabot yung laway niya kasi naman hindi siya pwedeng lumapit! Hahaha!

    ReplyDelete
  23. Panglaban ito sa dry spell or drought? amp! Lubricant?! pwedeng-pwede! haha!

    ReplyDelete
  24. Anonymous12:52 PM

    Nakakadiri nga 'yung mga dumudura at mga dura mismo. Minsan kapag umaakyat ako ng overpass, maraming gano'n sa hagdan eh ako naman di ko maiwasang tumingin sa hagdan since baka madapa ako. :|

    ReplyDelete
  25. Anonymous2:10 PM

    SHET YUNG PANGHULI. =)) Hahaha.

    Isa rin ako sa mga dumudura - that is, kapag kumakain ng "cool chews, i-cool, mentos" at iba pang mentholated gums. SERIOUS.

    Eww. Acid Rain. Saliva Rain. Hewwwww.

    ReplyDelete
  26. Anonymous9:32 PM

    yun yun eh! laway lubricant LOL.
    pati hairstyling, parang instructions lang ng hair gel haha. astig.

    ReplyDelete
  27. panalo ung lubricant. hahah!

    ReplyDelete
  28. haha! lubricant naman talaga purpose nun eh..during steamy nights and also on daytime.

    kadiri talaga yang mga dura ng dura..kahit plema sana wag naman sa kalsada..kahit man lang sana sa may damuhan.

    ReplyDelete