Wednesday, August 08, 2007

Doing the Deed... Alone



Nung kamakailan naiwan ako sa loob ng bahay. Mayroon kasing kailangang asikasuhin ang pamilya at ako ang napiling maging security guard ng bahay. So far sa pagbabantay ko ng aming tahanan, wala namang nagbalak na mangloob para gumawa ng kaguluhan at house party. Pero kapag mag-isa pala sa bahay may isang bagay na hindi maiiwasan.

Mag-isa ako sa bahay, hindi ko maiwasan ang init ng aking damdamin. Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at hindi ko napigilang gawin yun. Kailangan din kasing gawin ang bagay na yun at pakawalan ang bugso ng damdamin. Kapag hindi ko nagawa yun malamang kung ano pa ang mangyari sa akin.

Kaya inalis ko na kagad ang saplot at sinimulan ng himas-himasin. Malamig at malambot siya kaya naman hinimas ko pa lalo. Masarap pala sa pakiramdam. Kaya itinuloy ko ang paghimas, umabot ang mga kamay ko sa iba't ibang parte ng katawan. I choked the chicken. Himas lang ng himas habang may ipinapahid pa ako para mas lalong sumarap ang pakiramdam.

Ibinuhos ko pa ang madulas na bagay dito. Unti-unti ng nag-iinit, naramdaman ko iyon sa aking mga palad. Kaya naman nagmadali ako pinaspasan ng husto. Maya-maya lamang ay pumutok na ito. Tapos pumutok pa ulit hanggang sa di naglaon tumigil na ang pagputok nito. Ang sarap. Masaya akong makita ito ng ganun.

Ang sarap talaga. Ganun pala yun. Ganun pala ang magprito ng manok. Hindi maiiwasan dahil wala kaming kakaining hapunan kung di ko gagawin yun.

Ano ba ang iniisip niyo?

28 comments:

  1. Anonymous12:11 PM

    akala ko... hihihi..

    ReplyDelete
  2. Anonymous12:43 PM

    Ginagawa ko rin yan kapag walang tao sa amin! Hahaha.

    Kung gusto mo gawin natin ng sabay yan. Punta ako sa inyo! haha.

    ReplyDelete
  3. akala ko naman kung ano na. nyahaha!

    ReplyDelete
  4. Anonymous1:06 PM

    Amputaness!

    Akala ko nung ano na. Yun pala, nagpiprito ng manok. Wahahaha.

    ReplyDelete
  5. Anonymous1:49 PM

    funny, kala ko kng ano na. haha


    now lang ako nagkaron ng time bumisita. wla kc kami pasok.. woot, woot..

    ingats

    ReplyDelete
  6. ahhh nagpi-prito lang pala..

    pero pwede rin naman yung "deed" na other meaning nyan..mag isa ka na eh..enjoy!

    pwede rin yun habang nagpiprito :D

    ReplyDelete
  7. Ganyan din ako magchoke ng chicken! Haha!

    ReplyDelete
  8. jojitah > ano akala mo?

    karlo > baka naman makaabala ako sa iyo niyan.

    nelo > mahirap yun baka matalsikan ng kumukulong mantika!

    jigs > may ibang way pa ba?

    ReplyDelete
  9. napaghahalataang expert sa...

    nagpiprito rin ako ng manok pero hindi ko maalala kung pumutok yun. baka "malamig" pa yung mantika mo nung nilagay mo yung chikon.

    bigyan mo pa ng init hanggang sa iyong makakaya.

    ReplyDelete
  10. Anonymous10:24 PM

    naks... kala ko pa naman pang-entry na sa literotica... wooop! nyahahaha!

    hinimas himas pa talaga... di din naman napainit ng husto... buti nung pumutok dika natalsikan? hahahaha!

    pero i agree, nahahalatang yun lang talaga ang nagagawa mo noh? chicken kasi walang sizzling... nyahahahah!

    ReplyDelete
  11. akala ko pritong tilapia un hahaha

    ReplyDelete
  12. this post is too graphic, next time i eat chicken.. i'll remember it.

    (now that i said that, you would too. mwahahaha)

    ReplyDelete
  13. etits?

    hmmm..... :D

    ReplyDelete
  14. mike > ewan ko ba, pero na-thaw naman siya ng husto, siguro natural lang na pumutok siya

    andianka > ilang beses nga akong natalsikan

    the philosophical bastard > i always look at chicken the different way

    ReplyDelete
  15. so what you think he did before that...

    ReplyDelete
  16. blog hoppin neat blog and i enjoyed my visit. check mines too if u have time. TC

    ReplyDelete
  17. Anonymous12:23 PM

    Chicken!
    Aba may putok putok pang nalalaman.
    Buti di ka natalsikan. Hehe.

    ReplyDelete
  18. Anonymous1:54 PM

    i nearly had a hard-on. F*ck.

    Kidding! That was gross.

    ---
    Naku, baka inano mo muna yung manok. Kawawa naman yung manok. Wala na ngang ulo tapos... hahah!

    ReplyDelete
  19. Anonymous5:12 PM

    Naku. Hirap talaga pag nalulungkot at nag-iisa. pero marami ka pang pwedeng gawin. Pwede mong sakalin ang bibe o kaya ay i-spank mo ang monkey. Pero sabi nga ng nanay ni Sam sa Transformers, normal lang talaga and Happy Time.

    ReplyDelete
  20. Anonymous5:56 PM

    hehe. padaan muna. next time na ako talaga magbabasa. :D

    ReplyDelete
  21. hahaha. i thought...hehe. ang dami kasing interaction between you and the chicken. malamang pinagpawisan ka rin and had fun doing it. ahehehe.

    ReplyDelete
  22. Anonymous1:08 AM

    come to think of it... natalsikan ka? kumusta naman? hahahaha!

    LoL @ Arlo on happy time...

    err.... bakit nga ba chicken?

    ReplyDelete
  23. Ang sarap naman niyan! Text mo ako kapag walang tao sa bahay niyo, sabay tayo "mag-choke ng chicken"! Weeee!

    ReplyDelete
  24. Anonymous5:50 AM

    ayoko magluto ng manok! kain lang hehe.

    thejoketh™

    ~^_^~

    ReplyDelete
  25. Anonymous9:57 AM

    Ano daw @ Karlo?

    OMG NEIL!?! Talaga!? Lol.

    Ang eww ng mga comments dito, Billycoy! Jusko. Nakakawalang-ganang tingnan! Mas lalo naman yung kay JHED. Ay nakoooooo.

    Pero pag mag-isa ako sa bahay... nag-aaya ako ng kasamang girlet.

    And since tinatamad ako, siya na lang yung.......

    pagpiprituhin ko ng manok.

    ReplyDelete
  26. Anonymous2:47 PM

    akala ko naman..okay ang dumi ng utak ko. hmm, try ko ngang magluto ng chicken : )

    ReplyDelete
  27. well, i saw that coming haha. i know na ang bottomline eh hindi ang "DEED" na nasa isip ng marami.

    magaling ang writing skills ng author ng blog na to hehe. astig!

    ReplyDelete
  28. Nyek! Pero enjoy yung video!

    ReplyDelete