Monday, March 12, 2007

Want to have a Pearly Skin?


Sa mga nilalang na taghiyawatin at mga pimpolin dyan bagay sa inyo itong post ko ngayon dahil pwede na kayong yumaman. Basta magbasa na lang kayo kung paano kayo yayaman.

Kilala ang bansa natin bilang Pearl of the Orient, malamang alam niyo na kung bakit at di ko na yun i-eexplain pa dahil alam niyo naman na siguro yun, at kung hindi pa naman ay bahala na kayo, kumuha na lang kayo ng kawali at ipukpuk niyo sa ulo gamit ng inyong sakong. Kung paano iyun hindi ko na rin alam.

Isa ang perlas sa mga precious jewels at marami ang bansa nito. May mga worth 100 pesos meron din naman yung mas mahal pa sa buong buhay niyo at hindi niyo na mababayaran forever and ever and ever dahil sa mahal ng presyo. Kung can't afford naman meron din naman dyang mga bulitas o kaya holen na pwede niyong gawing alahas.

Ang perlas nabubuo yan sa shells. Isa silang irritation sa sensitive inner tissue ng mga shells. Kapag napapasukan sila ng foreign object (gaya ng butil ng buhangin), nagfoform sila ng protective layer dun sa irritation na yun. Habang tumatagal, kumakapal at nagpapatung-patong ang mga layers hanggang sa mabuo ng pearl. Ang perlas ay taghiyawat ng mga shells.

So kung pimpolin kayo, pagkakataon niyo na para yumaman at pagkakitaan niyo ang mga pimples niyo. Hindi yan peste sa mukha ikayayaman niyo yan. Kaya kung gusto niyong yumaman heto gawin niyo:
  1. Huwag maghilamos ng mukha, hayaang maging madumi ang face at magculture na kayo ng pimples.
  2. Good thing kung acne-prone ang balat niyo, mas malaki ang kikitain niyo, kaya i-culture na. Kung hindi naman kumain kayo ng isang drum ng mani at nga mga oily foods. (Though hindi pa proven kung may kaugnayan nga ang mga kinakain sa pagkakaroon ng zits, marahil ito ay sa allergic reaction sa kinain.)
  3. Kapag may tumubo na ang pimple o zit, huwag itong gagalawin o titirisin. Hayaan itong lumaki kasing laki ng golf ball at kung kakayanin niyo pa hanggang bowling ball. Mas mahal kasi ang Pearl of Allah!
  4. Huwag pa ring maghilamos ng mukha lalo kung hindi pa nahihinog.
  5. Kapag hinog na, maari niyo ng i-harvest ang nanigas na nana... este perlas sa inyong mukha at maari ng ibenta.
Maaari na talagang pagkakitaan ang mga zits niyo. Afterwards nga lang pwede na kayong pumunta sa labas ng earth at mag-orbit na rin sa paligid ng earth at palitan na ang pwesto ng buwan dahil sa sandamakmak at mga mala-crater na butas na mangyayari sa inyong mukha. Pero madali lang naman solusyunan yan, kung hindi madadaan sa masilya maaari na kayong gumamit ng graba at semento sa inyong face. Kung talagang malaki, komunsulta na kayo sa construction o kaya sa DPWH para sila na mag-ayos ng inyong mukha.

21 comments:

  1. pearl of allah billycoy, not budhha

    ReplyDelete
  2. TY mandaya! edited na po ;)

    ReplyDelete
  3. hahaha! A post I believe a jessica soho report inspired!

    Cheers!

    ReplyDelete
  4. Hahaha! Nice one. Just passing by.

    ReplyDelete
  5. Anonymous1:26 PM

    sus ko poh! patatawanin nanaman ako nito sa daan! pag ako naitapon sa mental kasalanan mo ito billycoy! hahaha!

    craters and zits... di maalis sa utak ko... sabog!

    ReplyDelete
  6. saya naman billycoy!! pwede kana magtayo ng Carrer Training Center.. lol.. irerekomenda kita.. hahahahahahaha

    ReplyDelete
  7. Anonymous3:43 PM

    yes tips agen. hahaha. kababuyan tips na naman po ito wujoinks

    ReplyDelete
  8. napapadalas yata ang ganito mong posts, ah... nagiging wholesome ka na, ah! hahaha!

    ReplyDelete
  9. andianka > naku infected ka na nga, di na maiiwasan yan

    chino > thanks pero highly recommended na ako ni Eddie Gil

    sherma > dati pa naman akong wholesome!

    ReplyDelete
  10. Bwahahaha. Shit I think I peed my pants!!! But ew, gross! Thanks, but no thanks!

    ReplyDelete
  11. haha. adik ka pareng combatron! adeeeeek!!!!
    haha!
    apir!

    naku, makapagbenta nga ng mga produkto mo nang yumaman namn ako

    ReplyDelete
  12. cool... ganun pala un.. very informative :)

    ReplyDelete
  13. Anonymous8:59 PM

    That is soooo kadirrrrrrri! Haha gawin daw bang kumikitang kabuhayan ang zit? Hmp napanood mo yung sa Jessica Soho noh? Parang dyan galing yung inspiration mo sa post na to ah....

    ReplyDelete
  14. Disturbing. Na-iimagine ko ang paga-accumulate ng nana sa mukha.. Ugh. Gross talaga. Haha!

    Salamat Billycoy! You just ruined my breakfast. LOL. :P

    ReplyDelete
  15. oo naman, sagot yan sa krisis natin sa langis!

    ReplyDelete
  16. Anonymous7:27 AM

    super hate ko ang mga taong may pimples.
    :)
    ewan ko ba.
    turn off yun.

    ReplyDelete
  17. bulitas > di mo na kailangang magbenta ng produkto ko kung kaya mong magculture ng perlas sa iyong mukha

    l.a. > oo dun nga galing, pero ang patubuin ang perlas sa ating mukha hindi niya naman tinalakay

    jhed > lam mo naman 'tong blog ko, masarap kasabay habang kumakain

    lateralus > hinding-hindi na tayo maghihirap pa kapag ganitong business ang itinayo

    ReplyDelete
  18. haha.. ewan ko sayo billycoy :P

    pero enjoy ako sa mga post mo haha :)

    ReplyDelete
  19. Anonymous8:36 AM

    wehehehe

    ReplyDelete
  20. Anonymous1:44 PM

    hahaha lolz...yuckkkkk...

    ReplyDelete
  21. Anonymous1:46 PM

    yuckkkk....lolz pero verry funny...hahaa made me giggle

    ReplyDelete